CHAPTER 37

13.7K 212 7
                                    


CHAPTER 37


“Hey, the glass might break,” pabulong na sita ni Dave sa akin. “Then, you’re going to hurt yourself.”

Can I hurt even more than I already am? Baka nga mas mabuti pang masugatan na lang yung kamay ko para manlang magkaroon ng distraction ang isip ko dahil kanina pa umuukilkil sa akin ang kaalaman na nagkabalikan na sina Rodney at Shelley.

We’ve only officially parted ways yesterday! At ngayon, magkasama na sila ulit!

Wala talagang pakialam sa akin ang lalaking yun.

Wala talaga syang nararamdaman kahit katiting para sa akin. And to think na iniisip ko kagabi kung sumagi manlang ba ako sa isip nya magdamag. Mukhang hindi.

Malamang hindi nya talaga ako maiisip, kasi siguro, lumipat na sa bahay na iyon si Shelley. Kaya marahil ipinagpilitan nyang i-dispose ko ang mga gamit ko kahapon.

What did he say again?

Ah yes.

“Huwag kang mag-iwan ng kalat, konsiderasyon sa sunod na magmamay-ari ng lugar.”

“Tsk! Stop crying. If you love him, fight for him. Ano bang pumipigil sayo?” si Dave.

Gulat na sinalat ko ang pisngi.

Umiiyak na naman pala ako.

Umiling ako kay Dave.

“Wala na akong laban, Dave. I had my chance to make him love me back pero hindi pa rin niya ako natutunang mahalin. Ngayon pa kaya na nagkabalikan na sila ulit?”

“Sigurado ka bang hindi ka nya natutunang mahalin?” singit ni Nate. “Eh tingin ko gusto nya ng gulpihin kanina si Dave.”

“Salamat sa suporta nyong dalawa, mga kaibigan ko nga kayo. Pero hindi ba dapat kayo ang unang-unang nagsasabi sa akin na kalimutan ko na sya?”

“I protected you too much in the past,” mahinang sabi ni Dave. “Too much that you never had any romantic relationship with any man. Kaya ngayon, gusto kong maranasan mo lahat. Kahit pa ma-broken hearted ka pagkatapos.”

Tinapik-tapik ni Nate si Dave na tila inaasar ito.

“You’re one to talk, Dude. Hindi ba wala ka ring experience sa babae bago mo nakilala si Cheska? Pareho lang kayong dalawa. And look at the mess that your respective relationships had become. Sa akin kayo magtanong, ako ang expert dito,” tinapik-tapik pa nito ang dibdib.

Sinamaan namin sya ng tingin ni Dave.

“Sige nga, sabihin mo kung anong gagawin ko, Dr. Love?” wika ko.

Iniangat nya ang isang bote ng tequila.

“Matalino ka pagdating sa ibang bagay pero inosente ka pagdating sa pag-ibig. At dahil baguhan ka, ang first step mo ay ito,” inilapag nya sa harap ko ang bote ng alak.

“Tch! Paano makakatulong sa kanya ang maglasing?” pinandilatan ni Dave ng mata si Nate. “Para namang hindi mo kilala ang babaeng yan kapag nakainom, kung ano-anong kalokohan ang pinaggagagawa. Mamaya magwawala na naman yan sa dance floor!”

Pumitik si Nate sa hangin.

“Bingo!”

Nagkatinginan kami ni Dave.

“Sinasabi mo ba sa akin na maglasing ako at magwala at ipahiya ang sarili??”

“Sinasabi ko sayo na maglasing at magwala at hintaying i-rescue ka ng asawa mo.”

“Hindi ko sya asawa! I shredded our marriage contract!” bumunghalit na ako ulit ng iyak ng maalala ko ang katangahan ko. Bakit ko nga ba kasi iyon ginawa? Eh di sana may pinanghahawakan pa ako kahit papaano.

SUBSTITUTE LOVERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ