CHAPTER 26

11.5K 207 21
                                    

A/N: Happy valentines day, you all! Ang sweet ng comments nyo, mas sweet pa sa chocolate! Mabulaklak ang inyong mga dila sa papuri. Hahaha! Salamat.

CHAPTER 26

Nakatitig ako sa kisame kahit wala naman akong nakikita doon. Oo nasisiraan na yata ako dahil nakangiti akong mag-isa habang yakap sa dibdib ang note na iniwan ni Rodney sa bedside table.

Hey my dolce amor. Alam kong napagod ka kaya hindi na kita ginising. Ilalabas ko lang si Gran sa ospital. Huwag ka ng sumunod. Will be with you again soon.

Then, he signed his love and kisses.

Shit, kinikilig talaga ako. Kahit masakit ang buong katawan ko, hindi ko yun alintana.

Muling nag-init ang aking mukha ng maalala kung paano nya tinitigan ang kabuuan ko kanina, hanggang sa paliguan nya iyon ng halik at haplos.

Oh my-! I’m craving for him again!

Gusto kong manliit sa kahihiyan pero pinaalala ko sa sarili ko na asawa ko naman ang lalaking kaulayaw ko kagabi at kanina kaya wala akong dapat ikahiya. At alam ko naman sa sarili ko na ibinigay ko ang lahat sa kanya in the context of love.

Saglit na dumaan sa isip ko ang pagdududa at pangamba sa kung ano ang dahilan ni Rodney, pero sa ngayon, hindi na muna yun importante. I love him. That’s enough for now. Hindi naman ako maghahanap ng higit pa sa kaya nyang ibigay.

Paano pag iniwan ka na nya?

Napakagat ako sa labi at ipinilig ang ulo, saka nagdesisyong bumangon at maligo. Ayokong maging alipin ng takot. Magiging masaya ako.

Mabilis lang ang ginawa kong pagsa-shower at bumaba na dahil naramdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko. Tatlong araw na akong walang matinong kain, at baka magka-ulcer na ako kung magpapalipas na naman ako ng gutom.

Matapos mag-brunch, nagpasya akong magpahangin sa garden. Tumuloy ako sa swing at umupo doon.

“May I join you?”

Nilinga ko si Zandro at tinanguan.

“Kumusta ang pakiramdam mo?”

“Okay naman,” nakangiti kong sagot. Kumunot ang noo niya kaya napaangat ang kilay ko. “Bakit?”

“Weird. You’re weird.”

“Ako? Paano ako naging weird?”

Umiling siya. “I just thought, maybe you still feel so bad about last night,” paliwanag niya habang sinisipa-sipa ang sahig ng swing.

Memories of last night and this morning flooded my mind and my cheeks instantly burned.

“Fuck..” he muttered when he saw me blushing. “I was talking about something else and you were thinking of an entirely different thing.”

Mukha syang naiinis at nagmamaktol kaya napaangat muli ang kilay ko.

“Zandro, anong problema mo?”

“You lied to me.”

“A-About what?”

“You love him, don’t you?”

Natigilan ako. Was I so obvious?

I cleared my throat.

“Kwentong barbero,” sagot ko.

Tinitigan nya ako na tila inaarok at mukhang hindi siya nasiyahan sa nakita.

“Do you know what happened last night?”

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now