CHAPTER 9

12.9K 228 4
                                    

CHAPTER 9

“Shelley, pwede bang magtanong?”

“Ano yun? Bilisan mo dahil wala ako sa mood makipag-usap,” paasik na sagot ni Shelley. I rolled my eyes inwardly pero ipinaskil ko pa rin sa labi ko ang ngiti na sanay syang nakikita sa akin.

“Bakit mo ako ipinakilalang kaibigan?”

Isang linggo pa lang akong nagta-trabaho kay Shelley, at first time nya akong isinama sa trabaho nya kung saan ipinakilala nya akong kaibigan kahit hindi ko naman nararamdaman na itinuturing nya akong kaibigan.

Tinitigan nya ako.

“Simple lang. Para ipakita sa kanila na may kaibigan ako at hindi totoo ang sinasabi nila sa likod ko na masama ang ugali ko.”

How convenient, di ba? Ang sweet nya.

Tumango-tango ako.

“Nasagot na kita. Now scram,” iwinasiwas nya pa ang kamay as if shooing an insect away.

Palihim na lang akong napailing. If I’m not a very confident woman, I will feel so demoralized.

“Mi, hello? May kausap pa ba ako?”

Gulat akong napatingin kay Rodney.

Kasalukuyan kaming nasa supermarket sa mismong building ng unit ni Rodney at namimili ng ingredients. Kanina kasi, habang nakatitig ako sa tv, bigla kong na-realize ang tinutukoy ni lola na promise ko daw sa kanya.

Kailangan ko syang ipagluto!

Kaya naman ginamit ko ang smart tv ni Rodney para mag-research ng pwede kong lutuin.

Mas gusto ni Lola ang Pinoy foods, kaya pinilit kong isiksik sa isip ko ang recipe ng mga napili kong lutuin. Yung medyo madali lang at kaya ng powers ko.

Inilista ko ang mga ingredients at tiningnan ang ref kung may laman ito.

Alas! Magkamukha ang mga ref nina Shelley at Rodney. Puro instant ang laman!

Bago pa mahuli ang lahat, kailangan kong mamili.

Kinuha ko ang bag ko at tinungo ang pinto upang lumabas.

Nagkagulatan pa kami ni Rodney dahil muntik na kaming nagkabanggaan.

“Saan ka pupunta?”

“Sa..Sa supermarket. M-Mamimili ng lulutuin.”

At bakit ako nag-i-stammer?

“Marunong ka ng magluto ngayon?”

“Eh..” napakagat ako sa labi. “Hindi. Kaya lang naalala ko na yung tinutukoy ni lola kanina. Nangako kang ipagluluto ko sya. pahamak ka kasi.”

Napatapik sya sa noo.

“Oo nga! Eh paano? Anong lulutuin mo bukas?”

Ibinigay ko sa kanya ang ginawa kong listahan. Sinamahan nya akong sa supermarket. Buti na lang, 24/7 ang supermarket dito.

Habang namimili ay nagke-kwentuhan kami hanggang sa mapadako sa insidente kanina ang topic.

“Pagpasensyahan mo na ang kaibigan mong yon. Alam ko namang alam mo na malala ang case nya ng insecurity.”

Epitome.

“Buti nga, nagkaroon sya ng kaibigang tulad mo.”

Napangiti ako ng mapakla at sumagi sa isip ko ang pag-uusap naming iyon ni Shelley noon.

SUBSTITUTE LOVERजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें