CHAPTER 8

11.5K 226 3
                                    

CHAPTER 8

Shelley was shrieking from the other side of the phone. A little too loudly that even I can hear it.

Bahagyang inilayo ni Rodney ang cellphone nya sa tenga.

“Calm down, Babe. You don’t have anything to worry about..”

Lumabas ng kotse nya ang binata kaya hindi ko na narinig pa ang conversation nila pero nakikita ko sya na mukhang nahihirapang mag-explain sa kasintahan.

“Okay na?” tanong ko nang bumalik sya sa loob ng kotse.

Bahagya syang ngumiti at tumango kahit tingin ko ay nababagabag sya.

“Puntahan na natin si Gran. Nandyan lang sya sa Makati Med.”

“Why? May sakit ba sya?” nag-aalala kong tanong.

“Wala naman daw, regular check-up lang.”

We both fastened our seatbelts and then, Rodney reared from the parking lot and we headed to the hospital.

Pagdating doon, agad naming pinuntahan ang clinic ng doktor ni Lola. Ayon kay Rodney, family doctor nila ito as far as he can remember.

“Rodney, it’s good to see you, hijo.”

“Doc, kumusta po? Mukhang hindi yata kayo tumatanda ah.”

Tumawa ang doktor. “Ikaw talaga! By the way, sinusundo mo ba ang Lola mo?”

Bago pa nakasagot si Rodney, tumunog ang cellphone niya.

Si Lola ang tumatawag. He answered it immediately.

“Gran, nandito na kami sa clinic. Sana hinintay mo na lang kami dito. Don’t budge an inch from where you are, pupunta na kami dyan.”

“Yeah, she left,” sang-ayon ng doktor nang maibaba ni Rodney ang phone nya.

“Kung ganun Doc, aalis na po kami dahil baka umalis na naman si Lola sa kinaroroonan nya. Alam nyo naman, may pagkamatigas na ang ulo nun.”

Tumango ang doktor. Tumalikod na kami upang lumabas nang muli nyang tawagin si Rodney.

The doctor looked worried.

“Rodney, you need to talk to your folk.”

“Doc, may dapat ba akong malaman?”

Bumuntunghininga ito. “Talk to her. If she wouldn’t speak, call me.”

Nagkatinginan kami ni Rodney bago sya kinakabahang tumango sa doktor.

Kapwa kami nanahimik habang tinatahak namin ang daan patungo sa restaurant na pinuntahan ni Lola.

“Rodney..”

“Yes?”

“Ilan ang kwarto sa bahay mo?”

“Apat. Bakit?”

Yumuko ako habang nilalaro ang mga daliri. Nag-angat lang ako ng mukha nang marinig ko syang bahagyang tumawa.

“Wait-.. Don’t tell me natatakot kang mag-share tayo ulit ng kwarto?”

An amused smile is forming on his lips at nag-alternate sa pagtaas ang kanyang mga kilay na tila nanunudyo. I pouted at him. Childish, I know, but I can’t help it.

“Relax, I’m not going to bite you tonight.”

Bahagya nyang ginulo ang buhok ko.

Sinundo lang namin si Lola sa North Park na nasa kabilang side ng kalye at bumalik na kami sa kotse nya. Pinabalik na ni Lola sa Tagaytay ang driver nito dala ang kanyang kotse.

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now