CHAPTER 31

11.2K 186 7
                                    

CHAPTER 31

“I made an appointment with an OB-Gyne.”

Nag-angat ako ng paningin mula sa pagkain. Kasalukuyan kaming naghahapunan.

I was waiting for him to open the topic on my pregnancy pero hindi niya binabanggit ang tungkol dito sa mga nakaraang araw, kahit na nararamdaman kong lagi nyang sinusubaybayan ang bawat kilos ko.

Actually, palaisipan sa akin kung anong naiisip nya. I’m dying to ask him what he thinks of my pregnancy, and the uncomfortable silence on the topic is driving me crazy.

“Oh!” pagsinghap ni Lola. “She’s pregnant?” excited nyang tanong.

Bumuka ang mga labi ko pero hindi ko magawang sumagot.

Napaangat din ng tingin si Zandro at tahimik na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Rodney. I looked at him helplessly.

I feel so insecured.

“Meron bang may balak sumagot sa tanong ko?” ulit ni Lola.

Ngumiti si Rodney sa matanda. “Yes Gran. Christmas wish mo, hindi ba?”

I smiled bitterly to myself. Parang nawalan ako ng gana sa pagkain.

“Mauna na po akong magpahinga,” nakayukong paalam ko.

“Halos hindi mo pa nagalaw ang pagkain mo,” puna ni Zandro. “You should eat a lot of healthy foods in your condition.”

“You care too much,” Rodney pointed out sarcastically.

“And you care too less.”

Pinaningkitan ni Rodney ng mga mata si Zandro. Napalunok ako at si Lola naman ay tila nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa.

“What’s going on?”

Tumikhim ako. “They are just being their usual childish selves, La. Incessantly bickering to each other.”

Tumayo na ako.

“Excuse me, La. Medyo masama po ang pakiramdam ko.”

“Ihahatid na kita. Nawalan na rin naman ako ng ganang kumain,” tumayo na si Zandro.

Akmang magsasalita si Rodney pero naunahan sya ni Lola na mag-react.

“Rodney, take your wife to your room. Zandro, I need to discuss something with you,” seryosong wika ng matanda.

Napalunok ako.

These two men are jerks!

Nagkukukot ang loob ko habang papunta sa kwarto. Tinangka akong alalayan ni Rodney pero pumiksi ako at nagpatiuna ng paglakad.

Pero lalo naman akong nainis nang hayaan nya na lang ako at hindi na nag-effort at nagpilit na alalayan ako.

How could he be so cruel and cold to me?!

Akala ko okay na eh. Akala ko okay na nung nag-effort pa syang magpa-authograph ng aklat ni Mitch Albom para sa akin.

‘A husband who’s willing to go to lengths to make me smile’?! My ass!

Mitch didn’t know what he’s talking about.

Narinig ko ang pag-lock nya ng pintuan nang kapwa kami makapasok sa kwarto.

Hindi ko pa rin sya pinansin pero naramdaman ko ang malalaking hakbang nya papalapit.

Hinila nya ako sa braso at ihinarap sa kanya.

Madilim ang mukha ni Rodney at bigla akong kinabahan.

“It’s not his, right?”

“What?”

SUBSTITUTE LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon