CHAPTER 34

10.7K 177 8
                                    

CHAPTER 34

*EARLIER*

“I thought we had this clear, Shelley. I love my wife. Nakikiusap ako, tumigil ka na. Hindi na tayo babalik sa dati. Hindi ba napag-usapan na natin ito dati? Tinanggap mo na nang sinabi kong natutunan ko na syang mahalin, hindi ba? Nagkasundo na tayo na maging magkaibigan lang,” mahaba kong paalala kay Shelley na kausap ko sa telepono.

Mula nung pumanaw si lola, lagi na lang syang ganyan, suggesting a possible rekindling of our flame.

But my heart, it cannot be moved be her anymore. I wouldn’t leave my wife for her.

Just the thought of losing Mira is enough to make me feel agitated.

Napabuntunghininga ako nang marinig ko ang sagot nya.

“I can’t help it. I can’t help hoping na babalikan mo pa ako.”

“Bumubuo na kami ng pamilya ng asawa ko. Buntis na sya at magkakaanak na kami.”

“But last time.. nung burol ng lola mo-”

“Huwag mong ipagkamaling pinili kita noon. I kept you beside me to keep you away from her!”

“You were mad at her,” she pointed out.

“Because she keeps facing you, and you are dangerous around her and our baby,” paglilinaw ko. Narinig ko ang pagsinghap nya sa kabilang linya, kasunod niyon ay series ng incomprehensible curses.

I ignored her. “I have to go, Shelley. May meeting pa ako. I have enough problems, huwag ka ng dumagdag. Kung magpapatuloy kang ganyan, sa palagay ko hindi ko na kayang maging kaibigan sayo.”

“You’re so cold, Rodney. How can you be so cold to me?” naiiyak na sumbat niya.

“I’m sorry, Shelley. Good bye.”

Pinutol ko na ang tawag bago pa sya makasagot. Nang maibaba ko ang cellphone sa mesa, muli kong ibinalik ang pansin ko sa dokumentong nasa harap ko ngayon.

Nung gabing nagkaayos kami ni Lola, ibinigay nya sa akin ang dokumentong ito.

“Why do you still have this?” hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatitig sa marriage contract. “At bakit wala pang tatak ito? Gran, does it mean..?”

Tumango sya. “Hindi ko ipina-file yan. I didn’t know if I should. Kung hindi mo matututunang mahalin si Mira, ayokong matali sya sayo habambuhay. That girl deserves to be happy.”

Nagsalubong ang kilay ko.

“How about me?”

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now