CHAPTER 11

11.7K 231 9
                                    

CHAPTER 11

Malakas ang halakhakan ng mga staff sa paligid. May rehearsal kasi sina Shelley ngayon para sa nalalapit na fashion week at kasalukuyang nagpa-practice ang mga models habang ang support staff at mga coordinator naman ay kanina pa nagtatawanan at nagbabatuhan ng asaran.

Gayunman, masyado akong pre-occupied para mapagtuunan ko sila ng pansin. Ilang gabi na rin akong hindi makatulog ng maayos at hindi matahimik dahil sa nakaraang pag-uusap namin ni Lola.

Paano ko ba sisimulan ang gusto nyang mangyari? Umoo ako sa kanya pero hindi ko naman alam kung paano isasakatuparan ang nais nya.

Kaninang umaga, tumawag sya upang mangumusta. Hindi nya man binanggit ng direkta ang request nya, alam kong nais nya iyong ipaalala sa akin. And indeed, she reminded me of it all too well.

Mukhang wala pa ring alam si Rodney sa sakit ng kanyang lola at hindi ko alam kung dapat bang ako ang magsabi sa kanya. Marahil ipapaalala ko na lang sa kanya na tumawag kay Doctor Sanchez.

“Alam mo, dapat nagpapalagay ka na ng braces.”

Napatingin ako kay Yesha (Lamberto, according to his birth certificate). Nasa harapan ko na sya at hinawakan pa ako sa pisngi. As usual, kahit magpaligoy-ligoy pa ang kantyawan, sa dulo, sa akin pa rin didiretso ang mga mapangutyang joke.

“Yun na lang kasi ang kulang at bet na bet ka na! As in, BETty La Feang BETty La Fea ka na!”

Nagtawanan sila na tila aliw na aliw.

Even I smiled secretly, remembering a time in my highschool days when I went to school with braces on.

Braces became a trend shortly afterwards.

“Mira..”

Nilinga ko si Rodney na kapapasok lang. Nakakunot ang noo nito at tila inis. Ni hindi nito tinapunan ng tingin ang mga bumati sa kanya na dati naman ay binabati rin nito.

“B-Bakit?”

Pasimpleng lumayo si Yesha ng sulyapan sya ng masama ni Rodney.

“Ay.. Mainit ang ulo ni Papa Rodney..” pabulong na wika habang lumalayo.

“I need your help.” Seryoso ang ekspresyon ni Rodney habang nakatingin sa akin.

Bago pa man ako nakasagot, hinawakan nya na ako sa braso at halos pakaladkad na hinila palabas.

“R-Rodney.. Saan tayo pupunta?”

Tumigil sya sa tapat ng isang bench nang malayo na kami sa pinanggalingan. Umupo siya, pulling me down beside him.

Bumuntunghininga si Rodney na tila kinakalma ang sarili.

“Ano bang problema?” tanong ko.

“Wala.”

Tumaas ang isa kong kilay. Salubong kasi ang mga kilay nya at halatang kunsumido.

“Naiinis lang ako.”

“Kanino? Sa akin? Bakit?”

Bigla syang humarap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Napapitlag ako.

“Mi.. Listen to me. Don’t mind what they are saying, okay?”

“Nino?”

“Nila,” he tilted his head towards the general direction of the room where we came from.

Muli nyang ibinalik sa akin ang paningin.

“You have to trust me on this..” Inilapit nya ang mukha sa akina at tinitigan ako sa mga mata.

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now