CHAPTER 24

12.2K 213 9
                                    

A/N: Oh di ba, ang sipag ko? XD

CHAPTER 24

Tila nanginig ang mga kalamnan ko ng tumalikod na si Rodney.

Buti na lang, busy na ulit syang patumbahin ang kalaban sa laro, kaya hindi nya na nakita ang pamumula ng pisngi ko sa kahihiyan.

Nilukob yata ng masamang espiritu ng kalandian ang isip ko. Kanina ko pa nga ipinipilit na i-focus ang mga mata sa laro, pero paano ko naman gagawin yun kung maya’t-mayang dumadaan sa harap ko ang hubad kong asawa?

Para-paraan lang yan upang mahawakan ko ang abs nya.

Ipinilig ko ang ulo.

Head, clear up please. Huwag kang manyak.

At habang pinipilit ko ang sarili na mag-concentrate sa katinuan, hinihila naman ako ng isip ko pabalik sa eksena kaninang umaga.

At ang tanawing ibinibigay ni Rodney sa akin ngayon at hindi nakatutulong upang payapain ko ang sarili.

“Ate, bakit mo sinasabunutan ang sarili mo?”

Huh?

Napahinto ako at napatingin sa batang babaeng katabi ko. Saka ko na-realize na tama ang sinabi nya.

Sinasabunutan ko nga ang sarili ko!

Masamang pangitain ito. Nababaliw na ako.

Muli kong ibinalik ang paningin sa court. Nakita ko pa ang huling shot ni Rodney mula sa three-point line. Pumasok iyon sa ring at saka natapos ang oras.

Talo sina Zandro. Lamang ng isa ang grupo nina Rodney.

Nagtatalon ako at padambang sinugod si Rodney.

“Didn’t I tell you, I will win,” kumindat pa sya.

Napatitig ako. Tumutulo ang pawis sa kanyang mukha at umaagos iyon hanggang sa dibdib niya at tiyan. Pababa sa pinong balahibo na unti-unting naiipon patungo sa hindi na kayang abutin ng aking pananaw. Pero sa isip ko, pinipilit kong sundan ang landas ng pawis na iyon.

Sa background, narinig ko ang pagtawag ng Mama ni Zandro na nag-a-announce na kakain na, pero hindi ko magawang ilayo kay Rodney ang paningin.

Sanay ako sa neat look niya. Pero hindi ko akalain na kahit pawisan at magulo ang buhok, hot pa rin syang tingnan. O baka nga mas hot pa syang tingnan, kaya naman awtomatikong nagre-react ang katawan ko.

Kinuha niya sa kamay ko ang bote ng tubig na iniinuman ko kanina at wala sa loob na ibinigay ko iyon sa kanya.

Uminom sya doon at napako naman sa gumagalaw nyang adams apple ang paningin ko. Basa ng tubig ang labi niya ng ilayo niya ang bote doon. Then, ibinuhos nya sa ulo ang natitira pang laman nito.

Napakagat ako sa labi.

Matapos iyon, binitawan nya ang bote at tumingin sa akin. Kusang umangat ang palad ko upang salatin ang kanyang labi pero ginagap nya ang mga kamay ko at sya na mismo ang nagdampi ng mga labi doon habang patuloy na magkahinang ang aming mga mata.

Napalunok ako ng sunod-sunod.

Sya ba ang lumalapit sa akin, o ako ang lumalapit sa kanya?

Kasi, bakit ilang pulgada na lang ang distansya ng mga mukha namin?

“Eherm!” malakas na tikhim ni Zandro at awtomatiko kaming naghiwalay ni Rodney na tila nagising mula sa isang mahika. “Stop what you’re thinking, there are kids around.”

Napasapo ako sa nag-iinit kong pisngi dahil sa kahihiyan at saka walang salitang nagtatakbo palayo sa court at patungo sa loob ng building.

Pagdating doon, tila hingal na hingal na tinutop ko ang aking dibdib.

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now