CHAPTER 5

13.2K 274 5
                                    

CHAPTER 5

Inilibot ko ang paningin ng may paghanga sa farm ni Lola Techie. Joke lang na Techie ang pangalan nya, Jasmine ang totoo nyang pangalan, sabi nya kanina. Pero mas gusto ko syang tawaging Lola Techie kasi para syang yung lola sa isang commercial. Di ko tuloy makita ang “conservative” na sinabi ni Rodney.

“Beautiful, isn’t it?” nakangiting baling ni Rodney sa akin.

“Yeah,” tumango-tango ako, my eyes still admiring the place while the older woman looks at us proudly.

Old style ang malaking bahay na nasa gitna ng malawak na bakuran. Halos sa mga picture ko na lang nakikita ang ganitong mga yari ng bahay na tila mansyon pa noong panahon ng kastila. Makulay ang garden dahil sa iba’t-ibang halaman. Ang mayabong na bougainvilla ay nagbibigay ng natural na lilim sa isang bench na may kakaibang disenyo. Secluded ang lugar at nagbibigay ng illusion na malayong-malayo ito sa kabihasnan, pero ang totoo, paglabas mo ng gate, marami itong katabing ibang resthouse at mangilan-ngilang establishment.

“This is my haven,” narinig kong wika ni Lola. “Welcome to my paradise, Mira.”

I grinned broadly. I love this place!

“Thank you, Lola.”

Napakagat ako sa labi nang tila may kumurot sa puso ko. A certain longing for home.

Ilang katiwala ang lumapit sa amin upang kunin ang mga gamit sa kotse.

“Kumain na tayo, gutom na ako. I did not like the airplane food,” yaya ni Lola Techie.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Maging ang living room ng bahay ay larawan ng kasaganaan. The floor is made of finished mahogany, and the great staircase leading to the second floor is made of narra. The house, with its old spanish architecture, creates an aristocratic atmosphere. Intricate ang design ng mga pintuan at frame ng bintana, maging ng mga haligi. May mga antique na jar at mangilan-ngilang sculpture na tasteful ang pagkakagawa.

Gayunman, hindi naging out of place ang mga modernong kagamitan na nasa paligid.

Napapitlag ako nang gagapin ni Rodney ang palad ko.

“You have the whole day to admire the place. For now, let’s eat.” Iginiya nya ako palabas sa isang pintuan at bumungad sa akin ang pentagonal na gazebo na gawa sa rattan at kawayan. Ang bubong na pawid nito ay nababalutan ng luntiang net. May mga namumulaklak na cadena de amor na kumakayap sa mga haligi ng gazebo. Sa loob nito ay nakalatag ang isang hapag na tila pyesta sa dami ng pagkain.

May isang tray ng rambutan, mangga at saging na marahil ay sa sariling tanim kinuha. May fresh cuts din ng apples, honeydew, pineapple at pakwan. Nakahain ang pork adobo, chicken turbo, grilled na pusit at tilapya, pakbet at ginataang langka. Sa isang maliit na table ay nakalagay ang isang jag ng buko juice.

“You really did miss the Philippines, Gran.” naiiling na puna ni Rodney habang inaalalayan nya akong maupo. Magkatabi kami sa isang side ng mesa at katapat namin si Lola.

“Well, I’ve been away for far too long, grandson. Hala, kumain na tayo. Mira, you look so frail, kumain ka ng marami.”

Well, I haven’t had breakfast and my stomach is silently protesting already. I’m almost drooling for the food. Ang tagal kong nagtyaga sa instant food sa condo ni Shelley, I almost forgot the taste of real food.

Natanaw ko ang ensaladang talong na maraming kamatis at sibuyas tagalog. Akmang aabutin ko yun nang unahan ako ni Rodney.

“Let me,” and then he winked. Maagap akong nag-iwas ng mukha upang hindi nya mahalata ang pag-ba-blush ko. Really, why am I allowing him to affect me this way? “Mi, kumain ka ng marami.”

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now