CHAPTER 33

11K 209 4
                                    

CHAPTER 33

She left quietly.

Lola. Gran. Jasmine Alejandro.

Hindi ko masabing hindi namin inaasahan ang pagpanaw nya, pero gayunman, hindi pa rin naging madali ang pagtanggap. One can never be ready losing a person they love.

Tahimik na tinanggap ni Rodney ang muling pagkaulila. He did not talk much. Hindi ko sya nakitang nagwala. Payapa nyang pinakawalan si Lola, dahil alam nyang umalis ito ng masaya.

But in the darkness of our room, I sometimes see him looking so dejected, staying late at night. During those nights after Gran’s burial, I just became his silent companion. Alam kong hindi nya kailangan ng salita, at hindi ko ibinigay iyon. I know how it feels na yung natitirang pamilya mo, tuluyan ka na ring iniwang mag-isa.

Noong nawala ang ama ko, sa presence ni Dave ako nangunyapit at humiram ng lakas. At yun ang gusto kong ibigay kay Rodney.

Ang problema, alam kong hindi lang ako ang handang magbigay niyon sa kanya. At masakit man sa loob ko, alam kong pinili nya ang presensya ni Shelley kahit hindi niya direktang sinabi iyon.

“Anong kailangan mo, Shelley. Pwede bang kahit ngayon lang, igalang mo naman si Lola,” mariing wika ko. Nakita ko kasi syang papasok sa chapel kung saan nakaburol si lola kaya sinalubong ko na sya at hinila patungo sa parking lot.

Umismid siya sa akin.

“Game over, Mira. Remember, your marriage contract has an expiration date.”

Nangngalit ang mga bagang ko. Then and there, gusto ko syang sabunutan, kung hindi lang ako nag-aalala na lumikha iyon ng eksena. Respeto na lang sa nakahimlay.

“Shelley, hindi ako makikipag-away sayo. Nakikiusap ako sayo para kay Rodney.”

Tumawa sya ng patuya.

“Ginawa mo pang dahilan si Rodney.”

Bumuntong-hininga ako at tinalikuran sya.

“Bastos ka talagang babae ka! Huwag mo akong basta tinatalikuran!”

Napaatras ako nang malakas nyang hilahin ang buhok ko. tumama ang katawan ko sa kotseng nasa tabi namin.

Itinulak ko sya ng malakas.

“Huwag mo akong sasaktan! Buntis ako, Shelley. Kapag may nangyaring masama sa anak namin ni Rodney, hinding hindi kita mapapatawad!”

Lalong nagdilim ang mukha nito at tila nagsara na ang isip.

Sinugod nya ako na tila torong nakakita ng pulang tela. Bumalandra akong muli sa kotse. Hinawakan nya ng mariin ang buhok ko at dahil mahaba at buhaghag iyon, hindi ko agad naiiwas sa kanya. Sa kabila ng pagtulak ko sa kanya, hindi ko sya matinag. Sumadsad na kami sa sahig at akmang dadaganan nya ako kaya itinulak ko sya ng malakas.

Nagpambuno kami at nagpagulong-gulong sa semento hanggang sa maramdamang kong may naghihiwalay sa amin.

Galit na galit na mukha ni Rodney ang tumambad sa akin.

“Rodney..”

“She’s a bitch-! That woman is a bitch!” agaw ni Shelley. “I just want to offer my condolences pero hinarang nya ako. Pinilit nya akong dalhin dito at sinabihan ng kung ano-ano.”

Napalunok ako. “Ney.. it’s not like that-”

“Shut up Mira. Nakita kong hinila mo sya palabas kanina!”

SUBSTITUTE LOVERΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα