CHAPTER 35

11.8K 218 5
                                    

A/N: Dahil hindi kayo matahimik, at hindi rin matahimik ang mga daliri ko, heto na.

 

CHAPTER 35

Napahinto ako sa akmang pagbubukas ng pinto ng marinig ko ang malakas nyang hagulhol.

..

Or was it laughters?

That’s right. Hindi sya umiiyak. Tumatawa sya. Humahalakhak to be exact.

Lalong nanigas ang mga kalamnan ko ng marinig ko ang boses ng isang lalaki.

May kasamang lalaki si Mira sa kwarto namin?!

Kaya ba ganun ang ipinukol na tingin ni Manay Olga sa akin nang dumating ako? Hindi ko malaman kung gusto nya akong pigilang umakyat o gusto nya akong magmadali kanina.

I gritted my teeth upang pigilan ang sarili na mapamura ng malakas pero ipinagkanulo ng panginginig ng kamay ko ang nararamdaman kong matinding galit at paninibugho.

So much for ‘misunderstanding’.

How can I misunderstand the meaning of what I’m hearing?

“Hindi ako titigil hangga’t hindi ka umo-oo,” ang sinasabi ng boses lalaki sa loob.

“Hahaha! Stop, you jerk!”

That isn’t the voice of someone who is miserable. On the contrary, masayang-masaya sya.

Pinilit kong hagilapin sa isip ko kung meron manlang kahit isang pagkakataon na humalakhak sya ng ganyan kasaya kapag kasama ako. Wala akong mahagilap sa alaala ko.

“You said yes?”

“Yes!”

“Ooookay! Umoo ka na ha. We’re getting married!”

Lalong dumiin ang hawak ko sa door knob.

Mira did not need my explanation earlier. No. Ang importante sa kanya ay ang makuha ang kalayaan.

Para sa lalaking ito. Upang pakasalan sya?

Marahan at tahimik akong pumasok. And I swear I seriously considered turning into a criminal.

Nasa sahig sila. Nasa ibabaw ng lalaki ang asawa ko.

Oh crap! Scratch that. Hindi ko nga pala sya asawa.

Inipon ko lahat ng natitira kong tatag at katinuan at ang lahat ng natitira ko pang pride sa pagkatao ko para lang pigilan ang sarili sa nais kong gawin.

Because right now, I really want to kill them out of sheer jealousy, the intensity of which surprises even me. I’ve never been jealous like this before.

I’ve never felt so betrayed and hurt and foolish like this before.

How Mira turned from a simple friend to a woman who has the capacity to shatter my heart into pieces, I have no idea how it happened. But it did.

And I’m so helpless about how I feel.

Isinuksok ko sa bulsa ang kuyom na mga kamao saka nagsalita. With all the calmness I could muster.

“Nice scene.”

Gulat na napaangat ang tingin ni Mira. Tila sya naparalisa ng ilang saglit bago niya nahanap ang sariling lakas.

Marahan, walang pagmamadali, walang halong guilt, na bumangon siya. Sumunod ang lalaki at saka ko nakita ang mukha niya.

Dave.

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now