CHAPTER 14

11.6K 217 6
                                    

CHAPTER 14

Nagising ako sa pakiramdam ng mainit na hiningang tumatama sa mukha ko.

Naramdaman ko si Rodney malapit sa akin kaya naman kunwari, tulog pa rin ako.

“This is just a bad dream, right, Mira?” I heard him sigh.

“Bukas, paggising ko, you’ll smile at me the way you used to, sweet and innocent. That woman earlier, it’s not real, right, Mira? She can’t be real.. I don’t want to hate you. I don’t want to hate you, Mira.”

Malungkot ang boses ni Rodney at nagtutubig na rin ang mga mata ko sa ilalim ng talukap. Feeling ko, babagsak na ang luha ko anytime. At hindi nya dapat makita yun.

Nagkunwari akong kumilos sa pagtulog at tumagilid patalikod sa kanya.

I heard him drew his breath sharply.

Kasabay niyon, naramdaman ko ang maagap na pagyakap ng lamig sa exposed kong likod.

Shit! Halos hubad na nga pala ako.

Nahahati tuloy ako sa kagustuhang itago ang luha ko o ang likod ko.

Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at kinagat ang labi. Bahala na si batman.

Pinanindigan ko ang pagkukunwaring natutulog at pinakiramdaman si Rodney.

Hindi sya kumikilos. Halos napigil ko ang hininga at ilang beses na napalunok.

“Damn you, woman,” he hissed.

Marahang-marahan, pinangko niya ako. umangat sa sofa ang katawan ko at saglit pa ay nararamdaman ko na ang init ng kanyang dibdib at mga brasong nakayakap sa akin.

Dug..Dug..Dug..

Hindi ko sigurado kung sarili kong pulse o tibok ng puso nya ang naririnig ko. Basta’t ang buong kamalayan ko ay sinakop ng nakalalasing nyang amoy.

I wanted the room to be a mile away. I wanted him to hold me like this forever.

To my dismay, naramdaman ko na ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama.

Nang maibaba niya ako, hinila niya ang comforter na nadaganan ko.

At dahil doon, nahila rin pababa ang suot kong gown, kaya muntik na talagang nahubad ng tuluyan ang damit ko.

Napatigil sya. he muttered a chain of curses. Sobrang kota na talaga sa mura si Rodney. Unlimited.

Kahit naman ako, sunod-sunod na ‘shit’ na rin ang nagdaan sa isip ko mula pa kanina.

Gustong-gusto kong magmulat ng mga mata pero hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa aking kumilos.

Or am I just anticipating his next move?

Naramdaman ko ang paglapit ng mukha nya at ang muling pagtama ng mainit nyang hininga sa mukha ko.

Is he going to kiss me now?

Then there’s a loud banging on the door.

Lumayo si Rodney sa akin at naramdaman ko syang kumilos. Saglit pa ay may kumot na lumapat sa katawan ko.

Muli syang nawala sa tabi ko at sinubukan kong sumilip sa isang mata. I saw his retreating back.

Tinungo ni Rodney ang pintuan.

“Who’s there?” he called.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at boses ng isang lalaki.

Nang mawala ang boses nito, saka ko narinig ang boses ni Shelley.

SUBSTITUTE LOVERWhere stories live. Discover now