2 : The two sides of the shield

Start from the beginning
                                    


"Y-you're welcome?" confused, Lauren said. I hope my sudden affection freaked her out because that would be nice.


Nagtungo agad si lauren sa pintong nasa tapat namin, binuksan niya ito at nakita ko ang isa na namang hagdan paakyat. Andami namang hagdan dito, pang-apat na yata 'to. Kataka-taka rin kasi wala na akong nakitang cctv sa dingding mula nang makaakyat kami, diba dapat may cctv din dito para mas safe?


Nang maisara ni lauren ang pinto ay agad kong pinagmasdan ang susi ng limousine na kinuha ko mula sa kanya. I'm not really into grand theft auto but since that woman took me here without my personal consent, I guess I'll just take her car without consent too—what goes around comes around. It's a good thing my delinquent friends already taught me how to drive. Gotta thank those fools when I get home.


Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, dali-dali akong nagtatakbo. Pilit kong inaalala kung saan kami dumaan pero sa sobrang lawak ng mansyon ay para na akong nagpapaikot-ikot sa dinadaanan. Everywhere I go, it all looks the same at wala akong mahanap na palatandaan. The entire mansion is like an actual maze!


Ilang minuto rin akong patakbo-takbo na parang timang hanggang sa tuluyan kong makita ang isang malaking hagdan. Dali-dali akong bumaba rito at nakahinga ako nang maluwag nang matanaw ang coat of arms ng cosima na nakaguhit sa sahig—ito na yata ang lobby na kaninang dinaanan namin! makakalabas na ako!


Nang tuluyan akong makababa, natanaw ko agad ang pinto kaya naman nagtatakbo na ako patungo sa direksyon nito. Ngunit laking gulat ko dahil imbes na hardin at limousine, isang malawak na indoor gym ang sumambulat sa akin. Nakakainis! Ang sarap manapak!


"Ano ba! Galingan niyo naman!"

"Sorry naman! Mahirap tamaan kung galaw sila nang galaw!"

"Dodgeball to! Siyempre iilag sila sa ibabato mo, tanga!"


Sa wakas may nakita narin akong mga tao, mukhang nagsasabi nga ng totoo si Lauren dahil parang magkaka-edad lang kami ng mga ito. Ang gugulo nila habang naglalaro ng dodgeball, hindi sila bababa sa sampu—lahat sila'y nakasuot ng kulay puting t-shirt na may logo ng korona, parang karaniwang korona lang ito na hindi gawa sa kutsilyo; ang mga babae ay nakasuot ng maiiksing shorts samantalang ang mga lalake naman ay nakasuot ng brown cargo pants na may burda ng logo ng cosima, yung may daggers na. 


May isang lalake sa bleachers, lalapitan ko sana siya para magtanong pero laking gulat ko nang bigla na lamang may tumamang bola sa ulo ko. Parang yumanig ang buong pagkatao ko at namalayan ko na lamang na bagsak na ako sa sahig, hilong-hilo at masakit ang ulo.


"Headshot! Boo-fucking-yaaa!"

"Nice throw! See that's what I'm talking about!"

"Gago talaga kayo!"

"Aaron ba't mo naman siya binato?!"


Naririnig ko silang nagtatawanan at nagkakantyawan, may dalawa namang lumapit sa akin at inalalayan akong makatayo; isang lalake at isang babae. Tinanong nila kung okay lang ako pero hindi na ako sumagot pa. Winakli ko ang mga kamay nilang nakahawak sa akin at kahit hilo pa ay taas-noo akong naglakad patungo sa direksyon kung saan nanggaling ang bolang tumama sa akin. may natanaw akong mga lalakeng nagtatawanan at sa tingin ko'y galing sa kanila ang bila—pinakamalakas ang tawa ng lalakeng may piercing sa kanyang labi.

Psycho next doorWhere stories live. Discover now