"So you ran for help?" singit ng detective kaya muli ko siyang tinaasan ng kilay.


"Whoa there detective bullshit, I'm telling you a story so shut up and let me speak; otherwise I will end you," kalmado kong pagbabanta ko sa kanya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis dahilan para agad siyang matahimik at gulat na mapatitig sa akin. Good.


"Okay so where was I—uh... before I could even move, biglang may humila sa mga paa ko kaya natumba at bumagsak ako sa sahig. And that's when I saw him—the man with the welder's mask. Nagtatago pala siya sa ilalim ng kama at hawak-hawak pa niya ang itak niyang may bahig ng dugo, yun siguro ang ginamit niya sa roommate ko. May dugo pa ngang tumalsik sa maskara niya. Nagpumilit ako na kumawala mula sa kamay niyang nakahawak parin sa paa ko, nagpumiglas ako, pinagsisipa ko siya kaya naman nakawala agad ako sa kanya. I ran towards the stairs but he was faster than me so naabutan niya ako—long story's short, nagpagulong-gulong ako sa hagdan at namalayan kong nasa dulo na ako ng hagdan at sinasakal na niya ako. I was kicking and screaming, loud as I could. Eventually, naramdaman kong sinapak niya ako. That's all I could remember," pagtatapos ko sa paglalahad ng nangyari.


Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng detective na parang hindi pa naman ganun katanda. Para siyang nagdadalawang isip na magsalita, para siyang naghihintay ng hudyat kung tapos na ba ako sa pagsasalaysay kaya nag-thumbs up na lamang ako.


"May kilala ka bang pwedeng gumawa nito sa roommate mo? May mga nakaalitan ba siya kamakailan lang?" tanong pa ng detective kaya umiling-iling agad ako.


"This isn't about her, detective. My roommate was just a collateral damage. I've been attacked by that welder-masked maniac from before," giit ko.


"Before? edi ibig sabihin nakita mo na siya noon?" tanong ng detective kaya napatango ako kasabay ng pagkuyom ng kamao ko. I don't know what he looks like behind that mask but I'm sure that it was him. I can't be wrong.


"When I was 9, my friend and I snuck out of the orphanage and we got kidnapped by a man wearing a welder's mask. I was able to escape..." Napatulala na lamang ulit ako nang maalala ko ang nangyari noon. I was young, reckless, and at my weakest... I was only able to save myself.


"Anong nangyari sa kaibigan mo?" tanong ng detective pero hindi na lamang ako kumibo. I already told the police what happened 9 years ago, ayoko nang ikwento ulit ang pangyayaring pilit kong ibinaon sa pinakailalim ng isipan ko.


"Pero kung ikaw nga ang pakay ng tinutukoy mo, bakit ka niya hinayaang mabuhay? Bakit iniwan ka lang niya nang basta-basta at di man lang sinaksak o tinaga ng kanyang itak? Bakit niya pinatay ang roommate mo?" tanong niya kaya natawa na lamang ako sabay angat ng magkabila kong balikat.


"To make me suffer emotionally, I guess? Para makonsensya ako at masaktan dahil sa pagkawala ng isang kaibigan?" hula ko. "But, the joke is on him because I'm not friends with my roommate and i'm really not that much affected. At the end of the day, I still won. Kleya Hudson wins the second round while the welder masked maniac is zero—it's a nice attempt to destroy me though," sabi ko pa sabay thumbs up.


Kunot-noo akong tinitigan ng detective, he's too freaked out with my actions, I can't blame him.

Psycho next doorWhere stories live. Discover now