*****

REAH'S P.O.V.

Nagising akong nakayakap sakin si Kaye. Napangiti agad ako. Pakiramdam ko buo na yung araw ko dahil katabi ko sya. Niyakap ko din sya at ayaw ko ng umalis sa tabi nya. Namiss ko yung ganito kami tuwing umaga. Yung gigising akong sya yung makikita ko at nakayakap sakin. Siniksik ko pa ng siniksik yung sarili ko sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit at hindi ko man lang naisip na baka magising ko sya.

"Reah." Tawag nya. Napatingin ako sa kanya. Nagising ko sya.

"Hindi ako makahinga sa yakap mo kulang na lang sakalin mo na ako." Reklamo nya. Napangiti ulit ako at tinanggal ko yung pagkakayakap ko sa kanya.

"Good morning." Nakangiting sabi ko.

"Good morning. Kamusta na pakiramdam mo?" Binati nya ko pabalik at kinakamusta nya pa ako. Wait. Nananaginip ba ako?

Hindi ko sya sinagot hinawakan ko yung pisngi ko at saka kinurot at sinampal sampal yung sarili ko. Masakit. Totoo nga to. Hindi ako nananaginip. Totoong katabi ko sya at kausap ko sya ng hindi sya galit.

"Anung ginagawa mo bakit sinasampal mo sarili mo?" Tanong nya sabay kuha sa dalawa kong kamay para pigilan ako sa ginagawa ko.

"Sinasaktan ko sarili ko baka kasi nananaginip na naman ako. Baka kasi hindi totoong katabi kita ngayon at kinakausap mo ko ng maayos." Sagot ko sabay kurot ulit sa sarili ko pero napahinto ako ng marinig kong tumawa sya. Napatawa ko sya.

"Tama na nga yan. Sinasaktan mo lang sarili mo hindi ka nananaginip totoong katabi mo ko." Natatawang sabi nya sabay yakap ulit sakin. Napangiti nya ako. Hindi na lang ako nagsalita ulit at niyakap ko na lang din sya pabalik.

Parang lalong ayaw ko na tuloy maniwalang totoo to. Nakakapanibago lang kasi na okay kaming dalawa.

"Hindi ka na mainit pero dapat uminom ka pa din ng gamot. Anu bang sabi ng doctor sayo?" Tanong nya. Nakakapanibago talaga sya. Baka may sakit din sya gaya ko kaya sya ganito.

"Okay ka lang ba? May sakit ka na din yata?" Tanong ko.

"Reah okay lang ako at wala akong sakit." Sagot nya sabay upo. Inalis nya na pagkakayakap nya sakin. Umupo na din ako gaya nya.

"Baka lang naman, kasi ang bait mo ngayon eh." Sabi ko.

"Matagal na akong mabait. Tara na baba na tayo para makakain ka na at makainom na ng gamot mo." Sabi nya sabay tayo.

"Tinatamad pa kong tumayo." Sabi ko sabay taklob ng kumot sa muka ko.

"Reah bumangon ka na dyan wag ng matigas ulo." Utos nya.

"Ayaw ko pa Kaye. Maya-maya na lang please." Pakiusap ko.

"Bumangon ka na. Isa." Napangiti ako bigla. Binibilangan nya na ako. Hindi na ako nagsalita. Nagtulug-tulugan na lang ako.

"Dalawa. Reah wag mo na kong hintaying mainis na naman sayo." Natawa ako ng konti sa sinabi nya. Naiinis na sya. Hindi pa din ako nagsasalita.

"Tatlo."

Pagkasabi nya nun tumayo na agad ako at lumapit sa kanya.

"Good morning." Sabi ko sabay kiss sa pisngi nya. Halatang inis na sya sakin dahil nakatingin lang sya ng masama sakin.

Binuksan ko na yung pinto para makalabas na kami. Sabay na kaming bumaba ni Kaye at hindi na talaga sya nagsalita. Maaga pa at hindi ko alam kung gising na din ba mga kasama namin. Pagkababa naming dalawa nakita agad naming magkakasama sila Mama, Tito at Tita, pati na si Jessy. Himala yata pagiging maaga nya ngayon. Mukang aalis na naman sya.

TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now