"Oo nga po." Sabi ko habang dahan-dahan kong tinatanggal pagkakayakap sakin ni Reah. Umupo ako para makausap ko ng maayos si Tita.

"Kaye pwede ba kong magtanong?" Seryosong tanong ni Tita.

"Anu po yun?"

"Alam mo matagal ko na kasing napapansin to pero hindi ko lang matanong si Reah kasi alam kong hindi sya magsasabi sakin ng totoo kaya gusto ko mismo sayo na mangaling." Sagot nya. Bigla akong kinabahan ayaw pang diretsuhin ni Tita yung gusto nyang sabihin.

"Anu po ba yun?" Tanong ko ulit. Lumapit muna sya sakin bago nya ako sagutin.

"Kayo bang dalawa ni Reah. Okay lang ba kayo?"

"Po?" Gulat na tanong ko.

"May tampuhan ba kayong dalawa?"

"Bakit nyo naman po natanong? Okay lang naman po kami ni Reah." Natatawang sagot ko. Sabi ko na nga ba eto yung itatanong nya.

"Totoo ba yan?"

"Opo. Bakit nyo po ba natanong yan?"

"Napansin ko kasi si Reah nitong mga nakaraang araw. Malungkot sya palagi tapos tulala. Nag-aalala lang ako baka kasi mamaya may iniisip na naman pala syang iba at baka bigla na naman nyang icancel yung wedding nyo." Na-guilty naman ako bigla sa sinabi ni Tita. Napatingin ako kay Reah. Ang himbing ng tulog nya.

"Sorry po sa totoo lang kasalanan ko talaga." Mahinang sabi ko.

"Kasalanan mo? Bakit? Anong ginawa mo?" Gulat na tanong nya. Napabugtong hininga na lang ako. Hinawakan ko sa kamay si Reah. Ang tagal bago ko sagutin si Tita. Tinitignan ko lang si Reah at pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba yung totoo. Pero ayaw ko na kasing bigyan pa sila ng problema. Hindi dapat nila malaman. Tama lang na sa aming dalawa na lang to ni Reah. Problema namin to at dapat kami ang umayos.

"Kasalanan ko kasi naging busy ako." Dahilan ko.

"Ganun ba? Nasabi nga nya sakin kaya daw hindi muna sya natutulog sa Condo mo kasi nga palagi ka daw wala." Ang ganda ng naisip na dahilan ni Reah para lang hindi magtaka si Tita pero nakakainis lang kasi ako pa din yung pinapalabas nyang may pagkukulang sa aming dalawa.

"Sorry po." Yun na lang nasabi ko.

"Okay lang basta sana this week hindi ka na busy para naman may time ka na kay Reah. Dun ko na din sya papatulugin para naman hindi na sya nalulungkot dito kasi kahit hindi nya sabihin sakin alam ko na namimiss ka na nya." Nakangiting sabi nya. Nginitian ko na lang din si Tita at tumingin ulit kay Reah.

"Sige na iwan ko na kayong dalawa para makapagpahinga ka na din. Nasa kabilang kwarto nag-stay Mommy at Daddy mo. Si Kamille at Jed naman sa katabing kwarto ni Nica." Sabi ni Tita sabay tayo.

"Sige Ma. Thank you po."

"Good night Kaye. Matulog ka na wag ka ng masyadong mag-alala kay Reah baka ikaw naman ang magkasakit."

"Opo Ma. Good night po." Pagkasabi ko nun lumabas na sya ng kwarto ni Reah.

Umayos na ulit ako ng higa ko sa tabi ni Reah at niyakap sya. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihimas sya sa ulo nya.

Napaisip tuloy ako bigla sa mga sinabi ni Tita kanina. Hindi ko na tuloy alam kung kailangan ko na ba talagang kalimutan at patawarin na lang si Reah para matapos na lahat. Ang hirap lang kasi sa tuwing naaalala ko na niloko at nagsinungaling sya sakin nasasaktan pa din ako. Oo mahal ko sya, pero ang hirap ulit magmahal ng todo sa isang tao kung minsan nya ng nasira yung tiwala mo. Baka kasi pagpinatawad ko sya ngayon bumalik lang ulit kami sa dati na palaging nag-aaway at nagsusumbatan sa mga nagawa namin. Gusto ko munang kalimutan lahat at gusto ko patunayan nya sakin na karapat-dapat ulit syang pagkatiwalaan.





















TWO HEARTS (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon