BOOK 3- Chapter 18

525 13 2
                                    

CHAPTER 18


"Give time for everything."



It's almost a week simula nang magkabalikan kami ni Damon. Hindi pa rin kami tanggap ni Ate Hershey pero hindi pinaghihinaan ng loob si Damon na darating din ang panahon na matatanggap ulit kami. Samantalang sina Tita Joy, Naio, at Kuya Kai ay walang sinasabi tungkol sa amin. Alam ko nag-aalala sila pero hindi sila tutol sa amin.


Sa loob din ng isang linggo ay palaging nasa bahay si Damon at tinutulungan ako bantayan si Avee. Sa tuwing pinagmamasdan ko silang dalawa na naglalaro, sobrang saya sa pakiramdam ko dahil nakikita kong magiging mabuting ama si Damon sa magiging anak niya.


Napalingon ako sa cellphone ko nang marinig ko itong tumutunog. Nang kunin ko ay si Traz pala ang tumatawag.


"Hello, Traz?" Sabi ko.


"Gib, may tanong ako." Seryoso niyang sabi.


"Ano 'yun?"


"Bakit daw?" Bulong ni Damon nang lumapit sa akin dahil napatulog na niya si Avee.


Hindi ko siya pinansin. Hinintay ko ang sasabihin ni Traz sa kabilang linya.


Narinig ko naman ang kanyang buntong-hininga. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung sayo ko ba dapat tinatanong 'to e."


"Ano ba kasi 'yun?"


"Bakit... Bakit... Argh! Ayoko na! Nakakahiya!"


Bigla akong natawa sa hindi ko alam na kadahilanan. "Traz, ano ba 'yun? May problema ka ba? Kayo ni Love?"


Last day ni Avee sa ospital, dumating sila para bisitahin ang anak ko. I met Love, Therese, Zach, and Jeronica. 


"Tss. Pwede ba tayo magkita?" Nag-aalangan niyang tanong.


"Hindi pwede, Traz Ezekiel." Matigas namang sagot ni Damon dahil naririnig niya ang usapan namin ni Traz.


"What the fck? Hanggang ngayon ba naman seloso ka at palaging nakikinig sa usapan namin, Damon Angel?"


"Why do you want to see my girlfriend, Traz Ezekiel?"


Sumingit na ako sa usapan nila. "Saan tayo magkikita, Traz?"


"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Damon.


Nilagay ko ang palad ko sa kanyang bibig para pigilan siya sa pagsasalita pa pero hinawakan lang niya ang kamay ko at tinanggal sa kanyang bibig. Sinamaan niya ako ng tingin. Nakikita ko sa kanya ang dating Damon na seloso palagi.


"Okay lang ba sayo? Baka busy ka." Ani Traz.


"She's busy with me." Matigas pa ring sabi ni Damon.


Muli kong tinakpan ang kanyang bibig. This time, hinawakan niya ang kamay kong nasa bibig niya at hinalikan na lang ito.


"I'm not, Traz. Saan tayo magkikita?"


"Starbucks."


"Okay. See you." Sabi ko at pinatay na ang tawag.


"Anong problema ng mokong na 'yun?" Iritadong tanong ni Damon.


"I don't know and that's why I'm going to see him."


"Tss. Hatid na kita."


"Huwag na. Bantayan mo na lang muna si Avee, please."


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon