Chapter 20

20.3K 83 51
                                    

Chapter 20

Umalis na ang mga malalapit na kaibigan nila Marga. Sumunod ang pamilya ni Marco pero naiwan pa si Marco kina Marga. Sina Xian at Edison lang ang natira. Mag-uusap pa kasi sila Ben at Edison.

"Edison, tara sa office ko dun tayo mag-usap. Hayaan na muna natin ang mga bata jan!" yaya ni Ben.

"Sige Ben! Ano ba ang mahalagang pag-uusapan natin?" sabi ni Edison.

"Doon ko nalang sayo sasabihin at baka makinig ng mga bata!" sabi ni Ben.

"Sus si Daddy oh nagsesecret na!" tukso ni Marga.

"Iha wag makialam sa usapan ng mga matatanda! Pag-usapan nyo na lang ang kasal nyo ni Marco. Dito na muna kami ni Edison sa office ko!" sabi ni Ben habang naglalakad papuntang office nya. Sumunod naman dito si Edison.

"Sige Dad!" sabi ni Marga.

Nasa loob na ng office sila Ben at Edison. Umupo si Ben sa kanyang upuan at si Edison naman sa harap nya.

"Ano ba ang pag-uusapan natin, Ben?" tanong ni Edison.

"Edison, gusto kong humingi ng tawad sayo. I know ginipit kita dun sa deal natin at dinamay ko pa ang anak mo." sagot ni Ben.

"Tapos na iyon Ben! All are on it's proper place now! Kalimutan na natin iyon!" sabi ni Edison.

"Salamat Edison! Hindi man natuloy ang pagiging magbalae natin eh pwede namang ituloy iyon sa pagiging mag-kumpare natin diba?" sabi ni Ben.

"You mean kinukuha mo akong maging ninong nila Marga at Marco sa kanilang kasal?" gulat na tanong ni Edison.

"Yes Edison! Yun eh kung ok lang sayo?" tanong ni Ben.

"Oo naman Ben! Parang anak ko na din naman si Marga eh! Salamat sa iyong pagtitiwala." sagot ni Edison.

"Salamat Edison!" sabi ni Ben. "By the way, alam mo na naman na lifted na ang deal natin? Meaning you can do whatever you want ganoon din si Xian." sabi ni Ben.

"Salamat Ben. Kung alam mo lang kung gaano ito kaimportante sa akin, lalong lalo na sa anak ko." sabi ni Edison.

"Yung means of communication nyo ay back to normal na din. Pwede na kayong tumawag gamit ang inyong mga personal cellphone khit kanino at yun internet service nyo eh magagamit nyo na din." dagdag ni Ben.

"Maraming salamat Ben." sabi ni Edison. "Ngayon eh maibabalik na ni Xian ng unti unti ang mga nawala sa kanya." sabi pa ni Edison.

"Kulang pa nga yan sa mga ginawa nyo sa pamilya ko. Unti unti akong babawi sa inyo Edison." sabi ni Ben. 

"Kalimutan na natin iyon ang mahalaga ngayon ay naituwid ko na ang lahat ng maling nangyari noon." sabi ni Edison. "May pag-uusapan pa ba tayo?" tanong ni Edison.

"Wala na naman! Madami pa namang araw na pwede tayong mag-usap. Salamat sa pag-unawa." sabi ni Ben.

"Walang anuman Ben! Sige I'll have to go now! I have something to do pa sa bahay. You know the paper works!" pahayag ni Edison.

"Okay! Salamat sa pagpunta mo dito ngayon!" sabi ni Ben at nakipagkamay na kay Edison.

Natapos ang usapang nila Ben at Edison. Bago umalis si Edison ay ipinaalam ni Ben kina Marga at Marco na isa si Edison sa mga magiging ninong nila sa kasal. Hindi naman tumutol silang dalawa sa katunayan ay talagang iyon ang kanilang plano.

Naiwan na sila Marga, Marco at Xian sa sala na nagkwekwentuhan.

"Congrats to both of you! The proposal was so great! Ang sweet at nakakainggit kayo!" sabi ni Xian. 

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon