Chapter 13

20.6K 85 27
                                    

Chapter 13

Dedicated to Melise Moraleja

Lumipas ang isang buwan, naging abala sila sa kani-kanilang trabaho. Bihira ng makapagdate sina Kim at Carl. Ito ay dahil sa dumami ang projects ni Carl at si Kim naman ay nakafocus din sa kanyang trabaho. 

Subsob si Kim sa pag-aaral ng mga financial reports ng biglang mag-ring ang cellphone nya. Nakita nya na tumatawag si Carl. SInagot niya ito agad.

"Hello Heart! How are you? Bakit ka napatawag?" sabi ni Kim na tumigil muna sa pagbabasa.

"Wala lang! Namiss ko lang ang Sweet ko! Busy ka ba?" tanong ni Carl.

"Not really Heart! Bakit?" sabi ni Kim.

"Baka kasi naiistorbo kita eh!" Sabi ni Carl.

Biglang may kumatok sa pinto. 

"Heart wait a second may kumakatok eh! Bubuksan ko lang!" paalam ni Kim kay Carl.

"Okay Sweet! I'll wait for you!" sabi ni Carl sa kabilang linya.

Pagbukas ni Kim ay tumambad sa kanyang harapan ang sangkatutak na fresh flowers na halos di na makita kung sino ang may dala.

"Oh my gosh! Heart sayo ba galing itong mga fresh flowers?" tanong ni Kim na hawak pa din ang cellphone at napahawak sa kanyang bibig.

"Yes Sweet! Do you like them?" sabi ni Carl na ibinaba yun dalang mga bulaklak para makita sya ni Kim.

"Heart!!! You surprised me by this!" bulalas ni Kim sabay yakap kay Carl. "I thought you're busy and that you're in your office?" dagdag ni Kim.

"You like it Sweet?" tanong ni Carl.

"Of course! Di lang like, I love it pa!" sagot ni Kim. "Thank you so much Heart!" sabi ni Kim.

"You are always welcome Sweet. Madami ka pa bang ginagawa?" tanong ni Carl.

"Ahmm.. Malapit na akong matapos dito. Bakit? Magdadate ba tayo?" sabi ni Kim habang naglalakad pabalik sa table nya kasunod si Carl.

"Oo sana eh kung hindi ka busy?" sabi ni Carl na umupo sa sofa ng office ni Kim.

"Okay! I'll clean this first then we can go na! Mukhang bumabawi ka ha?" sabi ni Kim na nakangiti kay Carl.

"Of course! Sobrang namiss kita eh kaya babawi ako ngayon!" sabi ni Carl.

"Okay! So where will you take me?" tanong ni Kim.

"Somewhere romantic! Somewhere where we can talk privately!" sagot ni Carl na kumindat kay Kim.

"Ohhhh! Heart ha! Anong binabalak mo?" tanong ni Kim na pinanlakihan ng mata si Carl.

"Nothing Sweet! Gusto lang kitang masolo!" sabi ni Carl na niyakap si Kim mula sa likuran.

"Oy Heart anu ka ba! Baka may makakita sa atin dito oh!" sabi ni Kim na umalis sa pagkakayakap kay Carl.

"Eto naman oh naglalambing lang eh!" sabi ni Carl at umupo sa silya sa harap ng table ni Kim at sumimangot.

"Sus ang Heart ko oh nagtatampo! Tara na nga! Gutom na din ako eh!" sabi ni Kim at hinila na si Carl palabas ng office nya. 

 Sa America, napostponed ulit ang kasal nila XIan at Marga dahil sa nangyari kay Marga. Another 5 months ulit ang hiningi ni Marga na preparation at pumayag naman ang Daddy nya. Inakit ni Xian si Marga para manood ng sine. Tutal naman ay maagang natapos ang meeting nya doon sa isang investors. Tatawagan muna nya si Marga para makapag-ready na ito nang biglang magring ang cellphone nya. Nakita nya na tumatawag si Joey.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon