Chapter 9

22.2K 74 22
                                    

Chapter 9 

Nakabalik na sila Xian at Marga sa America. Sinimulan na ni Xian ang pag-move on. Mahirap na proseso pero kinakaya naman nya. Nag-focus muna sya sa paghahanda para sa nalalapit na kasal nila ni Marga. Kasabay noon ay nag-focus din sya sa business nila doon na unti-unti ng nakakabawi.

First day sa trabaho ni Xian as assistant manager sa Topsitop Restaurant. Yun ang ibinigay na position sa kanya ng kanyang Papa kasi ayaw nya na may masabi ang ibang empleyado doon.

"Xian, good news! Ang mga investors natin na nagback out noon ay unti unti na ulet nagtitiwala sa atin!" bulalas ni Edison kay Xian.

"That's great Pa! Sabi ko na sayo eh magiging maayos din ang lahat." pahayag naman ni Xian na tuwang tuwa sa ibinalita ng kanyang ama.

"Thanks to you son! Nakatulong din kasi ang feasibility study mo to gain more investors!" sabi ni Edison.

"Welcome Pa! I will do it over and over again para maisalba itong mga pinaghirapan mo." sabi ni Xian.

"I'm so proud of you son! You made sacrifices for me. Maswerte ang magiging pamilya mo because you are such a good person inside and out, hindi yan dahil sa anak kita. Kasi you've proven that many times!" pahayag ni Edison.

"And I second the motion to that Tito!" singit naman ni Marga na hindi nila namalayan na nakikinig na pala sa kanilang usapan.

"Oh hello iha! How come you've agreed with what I have said?" tanong ni Edison.

"Tito I witnessed that when we went home to the Philippines! She really loves Kim even though he's hurting." sagot ni Marga na tumingin kay Xian.

"Marga you don't have to tell that to Papa! Nakakahiya tuloy!" sabi ni Xian na namumula.

"Don't be shy anak! That only means you're brave enough!" sabi naman ni Edison.

"Huh? Brave? Eh I didn't do anything nga para kay Kim." sabi naman ni Xian.

"Xian, what you've done was enough to prove that you really love Kim and that you're stronger. Mahirap kaya mag-let go lalo na sa mahal na mahal mo!" sagot naman ni Marga.

"Well, yun lang nman talaga ang magagawa ko sa ngayon! But I promised to myself that when the right time comes, I will tell Kim everything! And babawiin ko sya kay Carl!" sabi ni Xian with conviction.

"That's the spirit iho! Win her back! I know naman na naiintindihan ka ni Marga di ba?" tanong ni Edison kay Marga.

"Yes of course Tito! I understand it clearly, besides purely friendship lang ang relationship namin ni Xian." sagot ni Marga.

"Well I wish happiness to both of you! I know Marga that you have a boyfriend, fight for him! Walang mawawala kung ipapaglaban mo sya." sabi ni Edison.

"Yun nga po Tito ang problema! Di ko alam kung nasan na si Marco. After sya ipagtabuyan ni Daddy noon eh wala na po akong balita sa kanya." sagot ni Marga na biglang nalungkot.

"Don't worry Marga. You'll find him soon!" sabi naman ni Xian.

"I'm hoping that too! Pero until when? Maikli na lang ang panahon ko dito sa mundo and anytime pwede akong mawala." sabi ni Marga.

"Iha don't think like that! Makikita din natin si Marco!" sabi ni Edison.

"Yeah Marga! Papa is right! Think positive okay?" sabi ni Xian kay Marga.

"Okay! Okay! Okay!" sagot ni Marga na ngumiti na din.

"Well, I have to go na! I have meetings pa with some investors today! You two should go out and unwind!" sabi ni Edison sa dalawa.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now