Chapter 41

14.1K 117 29
  • Dedicated to @Team_FX and @teamkimxi
                                    

Chapter 41


Kinabukasan ay maagang nagising si Kim. Naabutan nya na nag-aalmusal sila Tay Chen at Nay Zheny.

"Oh anak ang agap mo yata?" tanong ni Nay Zheny. "Halika kumain ka na. Sabayan mo na ang Tatay mo!" tawag ni Nay Zheny.

"Hindi na po Nay! Sa opisina na po ako kakain. May meeting pa po ako eh!" sabi ni Kim.

"Ganoon ba! Oh sige mag-iingat ka!" sabi ni Tay Chen.

"Salamat po Tay! Alis na din po ako!" paalam ni Kim at nagmano na sya sa mag-asawa.

"Anong problema kaya nun?" tanong ni Zheny kay Chen ng makaalis na si Kim.

Nagkibit balikat lang si Chen sa tanong ni Zheny.

Maya maya ay dumating si Xian para sunduin si Kim.

Sinalubong sya ni Nay Zheny.

"Good morning po Nay Zheny!" bati ni Xian sabay mano kay Nay Zheny. "Ready na po ba si Kim?" dagdag na tanong nito.

"Naku iho nagmamadaling umalis kanina pa! Hindi na nga nag-almusal eh. May meeting pa daw sya." sabi ni Nay Zheny.

"Ah ganoon po ba? Sige po mauna na din po ako." paalam ni Xian.

"Ah Xi, may problema ba?" tanong ni Nay Zheny.

"Wala naman po Nay! Baka po may urgent meeting sya ngayon." sagot ni Xian.

"Sana nga! Oh sige baka ma-late ka pa! First day mo sa office ngayon di ba?" sabi ni Nay Zheny.

"Opo Nay!" sagot ni Xian. "Sige po alis na po ako!" paalam ni Xian.

"Sige iho! Ingat sa pagmamaneho at good luck sayo!" sabi ni Nay Zheny.

"Salamat po Nay!" sagot ni Xian.

Umalis na si Xian dahil gaya nga ng sabi ni Nay Zheny na first day nya sa trabaho kaya ayaw nyang ma-late sya.

Habang nasa daan, hindi malaman ni Xian kung ano ang nangyayari kay Kim. Hindi ito nasagot sa text at tawag nya.

Naisipan muna nyang dumaan sa McDo para bilhan si Kim ng pagkain.

Nakita din nya ang katabing flower shop kaya bumili na din sya ng mga red tulips.

Maagap pa ng marating nya ang Topsitop. Dumiretso na sya sa opisina ni Kim para dalhin ang mga iyon sa kanya.

"Good morning Sir!" bati ni Melody kay Xian.

"Good morning Mel! Nasa loob ba si Kim?" tanong ni Xian.

"Opo Sir! Ang agap nga po nya eh wala naman po syang appointment ngayon." sabi ni Melody. "Sandali lang Sir sasabihin ko po na nandito kayo." dagdag nito.

"Ah wag na! Ako na lang! Surprise ito eh!" sabi ni Xian. "Thank you Mel!" dagdag ni Xian.

Tumango lang si Melody.

Kumatok na si Xian sa pinto ng opisina ni Kim.

Nakinig nya na sumagot si Kim ng "Pasok!"

Binuksan ni Xian ang pinto.

"Delivery po Miss Kim!" sabi ni Xian na nakatakip sa kanyang mukha ang mga bulaklak na bitbit nya.

"Thank you! Pakilagay na lang yan dyan sa table!" sabi ni Kim na nakatanaw sa labas ng bintana.

Sinilip ni Xian si Kim at nakita nya na ganoon ang ayos nito kaya lumapit sya sa kinatatayuan nito.

"Miss Kim, may nagpapabigay din po nito!" sabay abot ni Xian ng pagkain mula sa McDo.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now