Chapter 32

17.2K 128 41
                                    

Chapter 32 

Maya maya ay may dumating na naka gray na jaguar na kotse.....

Ang lahat ng tao ay nakatingin sa dumating at nag-aabang kung sino ang lulan noon. Ang lahat ay namangha ng makitang bumaba si Xian sa jaguar na kotse. May mga lumapit sa kanya upang makipagkumustahan. Para siyang artista na pinagkaguluhan lalo na ng mga kababaihan.

Maya maya ay may bumaba naman sa kabilang side ng kotse ni Xian, si Naomi. Nagpalipat lipat ang tingin ng mga sumalubong sa kanilang dalawa. Ang ibang nasa may kalayuan ay nagbubulungan.

Sandaling nakipag-usap si Xian sa iba niyang kabatch samantalang si Naomi ay naglakad na patungo sa kanyang mga kaibigan.

Matapos nyang makipag-usap ay tumungo na sya sa loob ng chapel kung saan nandoon na ang karamihan sa kanyang kabatch.

Nang makapasok sya sa loob ng chapel ay hinanap agad ng kanyang mga mata ang kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan lalo na si Kim.

Nang makita nya iyon na kausap si Maja at dali dali nya silang nilapitan.

"Ehem! Late na ba ako?" tanong ni Xian sa likod ni Kim.

Napatulala si Maja sa kanyang nakita. Si Kim naman ay parang itinulos sa kanyang kinatatayuan ng marinig nya ang isang pamilyar na boses.

"Hello Maja!" bati ni Xian. 

"X-I-A-N???" ang tanging nasabi ni Maja.

Nanlaki ang mga mata ni Kim at umecho ang sinabi ni Maja sa kanyang pandinig.

"Oo ako nga! Bakit parang nakakita ka ng multo?" sabi ni Xian.

"Ha? Ah.. Eh.. Wala! I didn't expect to see you here!" sabi ni Maja.

"Pards???" sabi ni Xian na nasa likod pa din ni Kim.

Hindi makagalaw at halos walang lumabas na boses sa bibig ni Kim.

"Girl! Okay ka lang ba?" tanong ni Maja ng makitang namumutla at hindi kumikibo si Kim.

"O-O.. Okay lang ako!" mahinang sambit ni Kim.

"Kinakausap ka ni Xian!" sabi ni Maja sabay kalabit kay Kim.

Dahan dahang humarap si Kim kay Xian. 

Pagharap ni Kim ay halos magkadikit na ang kanilang katawan. Hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Xian si Kim.

"Kamusta ka na Pards?" tanong ni Xian na may ngiti na ubod ng tamis.

Nag-angat ng tingin si Kim at nakita nya ang tamis ng mga ngiti ni Xian sa kanya.

Hindi agad nakasagot si Kim at napatitig lang sa mukha ni Xian.

God! You're really here in front of me! Mas lumutang ang kagwapuhan mo ngayon!

"Pards... May dumi ba ako sa mukha?" muling tanong ni Xian.

"Ha?! Ah.. Eh.. Wala naman!" sagot ni Kim ng makabawi sya sa pagkatulala.

Biglang dumating na si Mrs. Rodriguez at nagsalita na. 

"Okay ladies and gentlemen, the mass will start in five minutes. You may now take your seats." sabi ni Mrs. Rodriguez na bumalik na sa kanyang upuan.

Pumunta na sila sa kanilang upuan. Sa harap sila umupo. Magkatabi sina Maja, Kim at Xian. 

"Where's Mat?" tanong ni Xian.

"May inaayos lang sila ni Carl para mamaya sa motorcade." sabi ni Maja.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now