Chapter 3

25K 105 23
                                    

CHAPTER 3

Dedicated to Gidget Corpuz

Mabilis nagdaan ang mga araw. Naging busy silang lahat sa school kasi graduating na sila. Di nila namalayan na December na pala. Malapit na ang Christmas Ball ng buong school kaya ang lahat ng estudyante ay excited. Lalo na ang mga Juniors at Seniors kasi dapat may escort sila. Parang JS Prom na din ito.

"Okay class next Friday is our annual Christmas Ball. I want all of you to attend and be in formal attire. Every girls should be escorted by the boys. So boys you may choose now who will be your date on the said event. Is that clear class?" tanong ni Mrs. Gonzalez, adviser nila.

"YES MA'AM!!!" sigaw nilang magkaklase.

"Okay class! That's all for today! Class dismissed!" sabi ni Mrs. Gonzales.

"Thank you and Goodbye Ma'am!" sabay sabay na sabi ng mga estudyante.

Lumapit na agad si Mateo kay Maja para sabihing sya ang mag-eescort sa kanya. Pumayag nman si Maja tutal wala pa naman nag-aakit sa kanya. Lalapit na si Xian kay Kim pero may nauna na sa kanya, si Carl.

"Kim will you be my date on our Christmas Ball?" tanong ni Carl.

"Hi Carl! Ah eh bakit naman ako ang inaakit mo? Ang dami dyan girls oh!" sabi ni Kim sabay turo sa ibang kaklase.

"Kasi ikaw ang gusto ko! I find you interesting! I like your style." sagot ni Carl. Medyo straight to the point itong si Carl palibhasa laking America pero fluent sya magsalita ng Tagalog.

"Ah eh.. Anu kasi eh.." di malaman ni Kim kung oo ba o hindi ang isasagot nya. Tumingin muna sya kay Maja para humingi ng tulong. Tumango naman si Maja bilang pagsang-ayon.

"Ano Kim? I don't take no for an answer!" sabi ni Carl.

"Ah nakakahiya naman sayo! Baka mapahiya ka lang kasi ako ang partner mo?" sagot naman ni Kim.

"Anu ka ba? Don't you trust yourself? You are pretty Kim!" sabi ni Carl.

"Hindi naman sa ganun Carl. SIge na nga payag na ako!" pagsang-ayon ni Kim.

"Yes! Sunduin kita sa inyo around 6:00 pm, okay?" sabi ni Carl.

"Okay! Thank you Carl!" wika ni Kim.

"No! Ako dapat ang mag-thank you! Sige I'll go ahead! See you around! Bye girls!" paalam ni Carl kina Maja at Kim.

Nakatulala pa din si Kim sa mga sandaling yun. Hindi nya alam na salita na ng salita itong si Maja.

"Girl! Are you with me? Bakit nakatulala ka na dyan?" sabi ni Maja.

"Ha?! Ah wala! Di ang ako makapaniwala kasi may nag-invite sa akin eh. Ang plano ko pa naman eh hindi ako aattend kasi wala naman akong magiging escort." pahayag ni Kim.

"Kaw talaga! Pero ang hunk ni Carl ha. Ang swerte mo girl! Isa sa mga hearthrob ng school ang escort mo sa party!" sabi ni Maja.

"Hindi naman! Oo Carl is good looking, gentleman and mabait but he's not my type!" sabi ni Kim.

"Echos ka din ano girl! Tanga lang ang hindi magkakagusto kay Carl!" Sabi ni Maja.

"Ah ewan ko sayo! Tara na nga! Teka nakita mo ba si Xian?" tanong ni Kim.

"Naku hindi eh! Masyado akong naging busy sa pakikinig sa pag-uusap nyo eh." wika ni Maja.

"Nasan na kaya yun lalaki na yun? Di ko na nakita simula nun idismissed tayo ni Mrs. Gonzalez eh." sabi ni Kim.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon