Chapter 51

14.3K 160 52
  • Opgedragen aan All the Readers of ROH especially to @XianLimm and Kim Chiu
                                    

Chapter 51

Ang lahat ay nagsigawan at napayuko matapos marining ang dalawang putok ng baril na umalingawngaw sa buong simbahan.

Ang ibang tao ay nagkagulo at di malaman kung anong gagawin.

Lumapit ang mga pulis na nakapaligid doon.

"Babe are you okay?" tanong ni Xian.

"Yes Babe I'm okay! Ikaw okay ka lang ba?" tanong ni Kim.

Tumango naman ng bahagya si Xian saka niyakap ng mahigpit si Kim.

Maya maya ay narinig nila ang sigaw si Maja.

"CARL!!!" sigaw ni Maja ng makita nitong nakabulagta sa sahig.

Doon lang lumingon sila Kim at Xian.

Nakita nilang nakasaklolo na sila Maja at Mateo kay Carl.

Dali daling nilapitan nila Kim at Xian si Carl.

"Anong nangyari? Bakit walang malay si Carl?" sunod sunod na tanong ni Kim.

"Sinalo nya ang bala na dapat ay sa inyo ni Xian, Kim." sabi ni Mateo.

Napatingin si Kim kay Mateo pagkatapos ay si Carl naman ang binalingan nito.

Doon tumulo ang luha ni Kim.

Niyakap nya si Carl at saka ito nagsalita.

"Carl! Please respond! Sabihin mong okay ka lang!" sabi ni Kim na nanginginig sa takot.

Wala pa ding response si Carl ng mga oras na iyon.

"Maja please call an ambulance! Kailangan madala na agad si Carl sa hospital!" sabi ni Kim na medyo hysterical na.

"Babe, calm down! Baka ikaw naman ang mapasama nyan!" sabi ni Xian.

"Babe hindi pwedeng mamatay si Carl! He's a good man!" sabi ni Kim.

"I know Babe! Pero walang maidudulot ang paghi-hysterical mo." sabi ni Xian.

Noon lang tumahimik si Kim.

Maya maya ay lumapit sa kanila ang isang pulis.

"Sir, Ma'am dadalhin na po namin sa hospital si Ms. Gatchalian. May tama din po sya ng baril." sabi ng isang pulis.

"Sige po! Susunod na lang po kami!" sabi ni Xian.

"Kailangan ko din po kayong hingan ng statement tungkol sa nangyari." sabi ng pulis.

"Sige po! We'll settle this first then magbibigay kami ng statement." sabi ni Xian.

Umalis na ang pulis at dinala si Naomi sa malapit na hospital.

"Xi, I'll go with the policemen. Kailangan kong asikasuhin ang pinsan ko. Ako na ang humihingi ng pasensya sa inyo! Hindi ko akalain na magagawa ito ni Naomi. Hindi ko na kasi sya nakikita at nakakausap." sabi ni Marco.

"Wala kang dapat ihingi sa amin ng paumanhin, hindi mo naman hawak ang buhay ni Naomi. Sige samahan mo na sya at susunod na lang kami." sabi ni Xian.

"Salamat Pare!" sabi ni Marco na umalis na upang samahan si Naomi. Si Marga at Kyle naman ay kasama nila Menchu.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Maja upang sabihin na nandyan na ang ambulansya.

"Sige na Iho, bring Carl to the nearest hospital kami na bahala dito ni Zheny." sabi ni Menchu.

"Thanks Ma!" sabi ni Xian.

Umalis na sila sa simbahan at kinausap naman nila Menchu at Zheny ang mga taong nandoon. Matapos kausapin ay humingi sila ng paumanhin sa simbahan dahil sa kaguluhan.

Reunion of  Hearts (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu