Chapter 23

19.4K 104 43
                                    

Chapter 23



Nanlaki ang mga mata ni Kim sa kanyang nabasa...

NALALAPIT NA ANG KATAPUSAN MO! KUNG SA TINGIN MO AY NAKUHA MO NA ANG LAHAT, NAGKAKAMALI KA! NASA AKIN PA DIN ANG HULING HALAKHAK! 

Matapos nya itong basahin ay kinuyumos ulit nya iyon at dali daling pumasok sa loob ng kanilang bahay. Dumiretso sya sa kanyang kwarto.

Binasa ulit niya yun nakasulat doon at inisip na mabuti kung ano ang ibig nitong sabihin. Wala naman kasi syang maisip na kaaway o kasamaan ng loob kaya binalewala iyon ni Kim.

Binaling nya ang kanyang atensyon sa kanyang laptop. Binuksan nya iyon at tiningnan kung may new email sya. Nawala ang kaba na kanyang nadarama ng makita nya ang email ni Superman. Binuksan niya iyon at binasa agad.

To: kchiu@yahoo.com

You are always welcome Kim! I'm so glad that you like it! At wag mo iyon intindihin, okay lang ang lahat ng iyon sa akin. Kulang pa nga yan sa mga ginawa mo para sa akin at sa mga naging pagkukulang ko sayo.

Well, siguro homesick lang ito! Miss ko na ang pamilya ko tapos yun bestfriend ko na nandyan sa Pilipinas ay matagal ko ng di nakikita. Hindi din kami okay kasi madami akong pagkukulang sa kanya na sana maintindihan nya pagnagkita na kami at naipaliwanag ko na sa kanya ang lahat. Pero nakita ko na sya when she graduated  in college dapat magtatapat na ako sa kanya noon ng tunay na nararamdaman ko but I found out na may boyfriend na pala sya kaya hindi ko na itinuloy then after that night first thing in the morning eh bumalik na ako dito.

Sorry for this non-sense story! Wala lang akong mahingahan ng aking mga sentiments. Anyways, thank you for your time in listening. I hope makabawi ako sayo pag nagkita na tayo. And same here, if may problema ka nandito lang ako. Malayo man ako eh sana I can get connected to you!

Take care always! :)

From: superman@yahoo.com

Nakailang ulit si Kim na magbasa nun email ni Superman. May kumurot sa kanyang puso kasi nararamdaman din nya ang paghihirap ng kalooban ni Superman.

"Parang pareho kami ng pinagdadaanan nitong si Superman ah except sa pagkahomesick. Kaya siguro ang gaan ng loob ko sa kanya." sabi ni Kim sa kanyang sarili.

Pinindot ni Kim ang reply button pero bago sya magtype ay nag-isip muna sya kung magkwekwento sya ng kanyang buhay kay Superman o hindi.

Matapos makapa-isip ay npagpasyahan nya na magkwento din kay Superman.

"Okay! Sige magrereply at magkwekwento ako sayo Superman! Mukhang harmless ka naman eh. Baka ikaw pa ang makatulong sa akin!" sabi ni Kim sa kanyang sarili.

To: superman@yahoo.com

Hello there! Okay lang naman yun sa akin! I'm glad nga kasi you trusted me. Di naman non-sense yun story mo. In fact we are on the same situation minus the homesick mode.

I have a bestfriend too whom I didn't see for so many years. Ahmmm.. 6 years to be exact. Alam mo bang ang sama sama ng loob ko sa kanya kasi ang dami nyang promises pero ni isa wala syang tinupad. Kahit phone call wala akong natanggap from him. Tapos malaman ko na he's getting married na, hindi man lang nya sinabi sa akin.

God! I missed him so much! Alam mo yun galit na galit ako sa kanya pero nun makinig ko ang boses pa lang nya eh nawala lahat yun lalo na when I saw the video that he sent to Matteo, napalitan lahat iyon ng pagkamiss at pag-aasam na makita syang muli. Kahit may boyfriend na ako ay hindi pa din sya mawala sa puso't isipan ko. Haaaay! Ano ba itong nararamdaman ko?

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon