Chapter 37

17.1K 162 44
                                    

Chapter 37

Madali naman syang nakatulog dahil sa pagod.

"Naomi? What are you doing here?" sabi ni Kim pagbukas nya ng pintuan nila.

"Surprised!" sabi ni Naomi na may tinutok na baril sa kanya.

"Anong ibig sabihin nito?" sabi ni Kim na nanlaki ang mata dahil sa baril na tinutok sa kanya.

"Sumama ka sa akin ng walang ingay, kung hindi kakalabitin ko ito dyan sa ulo mo!" mariing sabi ni Naomi.

"Nababaliw ka na ba? Hindi mo ba alam na isang krimen yang ginagawa mo?" tanong ni Kim sa mahinang boses.

"Oo nababaliw na ako! Baliw na baliw na ako kay Xian! Kinuha mo na sa akin si Carl pati ba naman si Xian?" asik ni Naomi.

"Kailanman ay wala akong kinukuha sayo, Naomi! Mag-isp isip ka nga!" sabi ni Kim.

"Tumigil ka na dyan sa kakasalita mo. Sumama ka na lang sa akin kung ayaw mong madamay pati pamilya mo!" sabi ni Naomi at hinila si Kim palabas ng kanilang bahay.

"Please Naomi! Wag na wag mong idadamay ang pamilya ko dito. Sige sasama na ako!" sabi ni Kim na gumaralgal ang boses dahil sa takot.

Ipinasok ni Naomi si Kim sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon.

Naramdaman ni Kim ang pagvibrate ng kanyang cellphone. Buti nalang at naka-silent mode iyon. Dahan dahan nya itong kinuha at nakita nya na may text si Xian sa kanya.

From Xian: Babe, where are you? I want to invite you sana manood ng movie. Are you free tonight? <3

Pasulyap sulyap si Kim kay Naomi upang hindi sya mahalata.

To Xian: Babe, please help me!

Yun lang at sinend na nya ito.

Nagvibrate ulit ang cellphone nya habang si Naomi ay mataman na nakatutok sa daan.

From Xian: Why? What happened? Where are you?

To Xian: Hostage ako ni Naomi ngayon. Gusto nya na layuan kita para mapunta ka sa kanya.

From Xian: What? She's crazy! Nasaan kayo ngayon at pupuntahan ko kayo.

To Xian: Nasa sasakyan pa kami but I think papunta kaming Antipolo.

From Xian: Okay Babe! I'll save you from that crazy woman! Hang on and I'll be there!

Hindi na nakareply si Kim kay Xian dahil baka makahalata na si Naomi.

"Naomi, saan mo ba ako dadalhin?" tanong ni Kim.

"Shut up! Hindi ko pa alam kung saan kita ikukulong. Naririndi ako sayo kaya tumahimik ka na lang!" bulyaw ni Naomi.

Nang-ring ang cellphone ni Naomi. Si Kim naman ay nakinig sa usapan ni Naomi at yun kausap nya sa kabilang linya.

Tama ang hinala nya sa isang resort sya dadalhin ni Naomi.

Nagtext agad syan kay Xian.

To Xian: Babe, sa isang resort sa Antipolo ako dadalhin ni Naomi. Casa Ibiza Resort ang pakinig ko.

From Xian: Hang on Babe! Papunta na kami dyan. Kasama ko si Mateo at Carl. May kasama din kaming mga pulis.

To Xian: Mag-iingat kayo! May baril si Naomi!

Reunion of  Hearts (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang