Chapter 16

20K 75 25
                                    

Chapter 16

Dedicated to Jenella Mae Dimarucut

"Marco!?! Ikaw ang nag-match kay Marga?" manghang tanong ni Xian.

"Yes Xian ako nga! I didn't expect that I'm the one who will match with her. Nagbaka sakali lang ako nun nagpatest ako." sabi ni Marco.

"Yeah Mr. Lim! Mr. Villamerced is the one! I'm so glad na siya ang nagmatch kay Marga." sabi ni Dr. Reyes.

"Wow! This is great! I'm happy with this result!" sabi ni Xian.

"May request lang po sana ako? Maaari po bang wag muna natin itong sabihin kay Marga at sa Daddy nya?" tanong ni Marco kina Xian at Dr. Reyes.

"Bakit naman iho?" sabi ni Dr. Reyes.

"Ayaw ko po kasing isipin ng Daddy ni Marga na I'm only doing this para makuha ko si Marga." sabi ni Marco.

"Hindi naman siguro mag-iisip ng ganun si Mr. Jimenez." sabi ni Dr. Reyes.

"Please Doc and Xian. Kapag maayos na po ang lahat tsaka na lang po natin ito sabihin sa kanila." pagsusumamo ni Marco.

"Okay pare! Pero I think Marga has the right to know!" sabi ni Xian.

"Don't worry Xian, ako mismo ang magsasabi sa kanya." sabi ni Marco.

"Okay pare! Thank God at nakahanap na tayo ng match ni Marga." sabi ni Xian.

"I'm honored na ako ang magdudugtong ng buhay ng pinakamamahal ko." sabi ni Marco.

"So Doc, kelan po ninyo isasagawa ang transplant?" tanong ni Xian.

"Siguro in a matter of one week pwede na natin isagawa ang transplant. Kailangan muna natin makasiguro na physically fit itong si Marco. Mahirap na baka sya naman ang magkaron ng sakit." pahayag ni Dr. Reyes.

"Okay po Dr. Reyes! Naihanda ko na naman po ang sarili ko para sa transplant na ito. I will do everything madugtungan lang ang buhay ni Marga." saad ni Marco.

"That's great Marco! Maswerte si Marga for having the both you in her life!" sabi ni Dr. Reyes.

"Hanga ako sayo Pare! Bihira ang ganyan sa panahon ngayon. Kung sa iba siguro baka hindi na sila magpakita pa kay Marga after what had happen tapos ganito pa ang kalagayan nya." sabi ni Xian.

"Pareho lang tayo Pare! Alam ko na isa kang tunay na kaibigan at natutuwa ako kasi ikaw ang nandyan nun nawala ako sa tabi ni Marga." sabi ni Marco.

"So gentlemen, can you please excuse me. I'll have to attend to some important matters." Sabi ni Dr. Reyes. "And Marco kapag ready ka na, pwede ka ng pumunta sa lab para sa series of test mo." dagdag ni Dr. Reyes.

"Okay Doc! Thank you so much!" sabi ni Marco.

Naiwan na silang dalawa sa loob ng opisina ni Dr. Reyes. Hindi pa din sila makapaniwala na si Marco ang magiging donor ni Marga.

"So kelan mo balak ito sabihin kay Marga?" tanong ni Xian.

"Hindi ko pa alam Xian. Natatakot ako na baka hindi sya pumayag na ako ang magiging donor nya." sabi ni Marco na biglang nalungkot.

"Anu ka ba Marco. Hindi ganun si Marga. Matutuwa pa sya pag nalaman nya ito." sabi ni Xian.

"Ewan ko ba kung bakit ganito ang feeling ko." sabi ni Marco.

"This weekend nga pala balak na namin kausapin si Tito Ben. Maganda na ang mood ni Tito Ben kaya naisip ko na ito na ang tamang panahon." sabi ni Xian.

Reunion of  Hearts (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن