Chapter 6

23.6K 93 24
                                    

Chapter 6

Dumating ang last year nila sa college. Di maiwasan ni Kim na malungkot. This time kasi eh magkakaroon na sila ng kani-kanilang career. Magiging madalang na silang magkita kita. Ang higit sa ikinalulungkot ni Kim ay ang tuluyang paglimot ni Xian sa kanya. Lagi pa din sya nag-eemail kay Xian pero tulad pa din ng dati, wala pa din syang natatanggap na reply mula kay XIan. Dahilan ito kaya ngpasya na din si Kim na iisantabi na muna ang feelings nya para kay Xian.

Sa school busyng busy si Kim sa pagbabasa ng lesson nya. Break time noon at nasa canteen sila ni Maja para mag-snack. Walang sinasayang na oras si Kim. Kahit sa oras ng pagkain ay nag-aaral pa din sya. Ito ang naging way nya para di maisip si Xian. Tahimik lang sila ni Maja habang kumakain ng dumating si Carl na may dalang pagkain din.

"Hi girls! Can I join you?" tanong ni Carl.

"Hey Carl! Yes you may! Have a seat!" sabi naman ni Maja.

"Thank you Maja! Hi Kim! Busyng busy ka yata dyan ah." sabi ni Carl kay Kim.

"Hello Carl! Oo eh! May oral recitation kasi kami mamaya!" sagot ni Kim.

"Ah ganun ba? Okay! Are you guys free later? After class?" tanong ni Carl.

"Ako ay hindi pwede mamaya may date kami ni Mateo eh!" sagot ni Maja. Si Mateo ay officially courting Maja na.

"How about you Kim? Can we go out? Pretty pretty please?" pagsusumamo ni Carl.

"Girl go on! Lumabas ka naman paminsan minsan. Hindi laging bahay at school lang. Sayang ang ganda mo ha!" payo ni Maja.

"Eh kasi madami pa akong research eh!" sagot ni Kim.

"I can help you with that Kim but please let's go out first! Let's unwind and have a chit chat, please?" tanong ni Carl.

"Hmmmm... Okay! Promise ha tutulungan mo ako?" sabi ni Kim kay Carl.

"Okay! I'll meet you here after class." sabi ni Carl.

Tumango lang si Kim. Siguro ito na yun time para sabihin ko sa kanya na payag na akong magpaligaw.

After class, pumunta sila sa isang restaurant. Nag-snack sila habang nagkwekwentuhan. Talagang malakas ang sense of humor ni Carl. Laging nakatawa si Kim. Di nila alam na nandun din si Laureen kasama ang boyfriend nya.

Natapos silang magdiner at nagpasya na silang umuwi. Hinatid ni Carl si Kim. Pagdating nila sa bahay nila Kim ay nagdidinner na sila Zheny, Chen at Eda. Pumasok na sila at pinatuloy din nya si Carl.

"Oh andyan na pala kayo! Kain muna kayo!" yaya ni Tay Chen.

"Tay kumain na po kami sa labas ni Carl." sagot ni Kim sabay mano sa mag-asawa.

"Magandang gabi po!" bati naman ni Carl sa kanila. 

"O sige dyan na muna kayo at tatapusin lang nami itong pagkain." sabi ni Nay Zheny.

"Sige po okay ang po!" sabi nman ni Carl.

Kinuha ni Kim yun laptop nya para simulan na yun research work nya. Nakita ni Carl si Xian at Kim na naka-wallpaper. Nakita ni Kim na titig na titig si Carl sa screen ng laptop nya.

"Ah Carl can we start na? Para matapos na natin at para di ka gabihin." sabi ni Kim.

"Sure! Ah Kim kamusta na nga pala kayo ni Xian?" tanong ni Carl.

Natahimik si Kim at naalala ulit nya si Xian. Tinitigan lang nya yun wallpaper nya at bumakas sa kanyang mukha ang lungkot. Napansin naman ito ni Carl.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon