Chapter 4

24.2K 105 15
                                    

Chapter 4 

Christmas vacation na. May 2 weeks din ang Christmas break nila. Si Maja sa probinsya nila magcecelebrate ng Pasko at Bagong Taon, si Mateo naman ay pupunta ng USA kasama ang pamilya nya at sila Xian at Kim ay dito lang mag-Papasko at mag-Babagong Taon. Pumayag ang pamilya ni Kim na kina Xian sila sa Christmas. 

Christmas Eve na wala pang gift si Kim sa best friend nya. Kaya nagdecide sya na pumuntang mall para maghanap ng gift.

"Nay punta lang po muna akong Mall may bibilhin lang po ako." paalam ni Kim. As usual ang suot ni Kim ay pants, t-shirt at rubber shoes tpos may cap pa.

"O sige anak! Mag-iingat ka ha?" paalaala ni Nay Zheny na nagulat sa ayos ng anak.

"Opo Nay! Teka bakit po ganyan kayo makatingin? May dumi po ba ako sa mukha o sa damit?" tanong ni Kim.

"Wala naman anak! Nagulat lang ako sa ayos mo. Akala ko kasi magpapalit ka na ng style mo eh!" sabi ni Nay Zheny na may panghihinayang.

"Wala nman po masama sa style ko diba?" sabi ni Kim na naguguluhan sa Nanay nya.

"Wala nga anak pero Kim babae ka at higit sa lahat dalaga ka na! Dapat hindi na ganyan ang style mo anak!" sabi ni Nay Zheny.

"Eh Nay dito po ako komportable eh! Tsaka sanay na po ako dito!" sabi ni Kim.

"O sya sige na. Alam ko naman na di na magbabago yan isip mo! Lumakad ka na para di ka gabihin. Tiyak na madaming tao ngayon at Bisperas ng Pasko!" saad ni Nay Zheny.

" Sige po Nay! Salamat po!" paalam ni Kim sabay mano at halik sa pisngi.

Habang nasa jeep si Kim nag-iisip sya ng ireregalo kay Xian. Wala syang maisip kaya bahala na lang kung ano ang makita nya. Madali nyang narating ang Mall kasi di masyadong traffic. Madaming pinasukang store si Kim pero wala syang mapili. Hanggang sa mapadaan sya sa tindahan ng mga stuff toys. Nakita nya yun teddy bear na pinakamalaki. Halos life size na at nakita nya na naka-sale ito. Pumasok sya upang tingnan ito.

"Miss pwedeng patingin nitong teddy bear na ito?" tanong ni Kim sa saleslady.

"Yes ma'am! Mabuti po meron pa nito. Nag-iisa na lang po ito. Nung isang araw po kasi nabili na ni Sir yun isa." sabi ng saleslady.

"Ah ganun ba? Magkano ito Miss?" tanong ni Kim.

"Ma'am bale P566 nalang po sya, 50% off na po yun. Pwede din po syang palagyan ng name." sabi ng saleslady.

"Talaga? Sige Miss kunin ko na ito!" sabi ni Kim.

"Okay po Ma'am! Anu pong name ang ilalagay?" tanong ng saleslady.

"Ahhhmm.. Miss "Pards" nalang ang ilagay mo. Naggigift wrap din ba kayo?" tanong ni Kim.

"Ang cute naman po Ma'am, Pards! Ah yes Ma'am free po ang gift wrapping pero pag ganito po kalaki eh may additional charge po." sabi ng saleslady.

"Sige okay lang! Thank you!" sabi ni Kim.

"Welcome Ma'am!" sabi ng saleslady na nakangiti ng napakatamis sa kanya na parang may ibig ipahiwatig. Gumanti lang ng ngiti si Kim.  

Masayang masaya si Kim sa nabiling regalo para kay XIan. Kaya nagpasya na syang umuwi para di sya gabihin.

"Magustuhan kaya ito ni Pards? Sana naman!" Sambit ni Kim sa sarili nya habang nakasakay na sya sa jeep pauwi sa kanila.

Christmas day. Maagang nagising si Kim. Naligo na sya at nagbihis ng damit nya na bihira lang nya isuot. Isang bestida na hanggang tuhod ang haba ang napagpasyahan nyang isuot. Tpos naglagay sya ng konting polbo at lipgloss. Itinali nya ang kanyang buhok at saka lumabas na ng kanyang kwarto. Nagsimba muna silang mag-anak bago pumunta kina XIan.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now