Chapter 36

17.4K 132 36
  • Dedicated to Melanie Prospero Manalo
                                    

Chapter 36



"And I love you more Pards!" sabi ni Xian at siniil ulit si Kim ng halik.

Nagbitaw sila at tinitigan ni Xian si Kim.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Kim na kumawala kay Xian at umupo sa bench. Pakiramdam kasi nya ay mabubuwal sya dahil sa kilig at kasiyahan na kanyang nararamdaman.

"Wala naman. Gusto ko lang isaulo ang mukha mo Pards! Ang sarap mo kasing titigan eh!" tukso ni Xian kay Kim na tumabi sa kanya.

"Sus! Nambola pa oh!" sabi ni Kim na tumawa para maalis ang tensyon na nararamdaman nya.

"Hoy! Hindi ako marunong mambola! Nagsasabi lang ako ng totoo!" sabi ni Xian.

"Sige na nga!" matipid na sagot ni Kim.

Sandali silang natahimik. Matapos ang ilang segundong katahimikan ay nagsalita si Xian.

"Pards, hindi ba ito isang panaginip lang?" tanong ni Xian na hinawakan ang kamay ni Kim at dinala iyon sa kanyang mukha.

"Kahit ako Pards hindi pa din ako makapaniwala. Sasabihin na ba natin ito sa kanila?" tanong ni Kim na humilig sa balikat ni Xian at inakbayan naman sya nito.

"Oo naman no! I'm so proud to have a beautiful, intelligent and sexy girlfriend!" Bulalas ni Xian.

"Pero pwedeng humanap muna tayo ng timing? Alam ko madaming magugulat eh. Kasi ba naman nung isang araw ka pa lang dumating tapos ngayon tayo na!" sabi ni Kim.

"Sige Pards! May point ka naman dyan, pero alam ko naman na madami din ang matutuwa kapag nalaman nila na tayo na!" sabi ni Xian.

Natahimik lang si Kim.

Maya maya ay nagsalita ulit si Xian.

"May bumabagabag ba sayo Pards?" tanong ni Xian.

Umayos ng upo si Kim at tumingin sa kabilugan ng buwan.

"Wala naman Pards. Maaari ko bang kausapin si Carl bago natin aminin na tayo na?" tanong ni Kim.

"Pards para saan pa? Di ba matagal na naman kayong break?" tanong ni Xian na napatingin kay Kim.

"Oo nga Pards! Gusto ko lang linawin sa kanya ang lahat lahat. After all he's still my friend!" sabi ni Kim.

"Oo nandun na tayo, magkaibigan nga kayo pero sya ba kaibigan ang turing sayo? Carl still loves you. Unless you still have feelings too kay Carl?" tanong ni Xian.

Napatingin si Kim kay Xian.

"Pards, wala na akong feelings sa kanya! The moment that he cheated on me, nabura lahat ng feelings ko sa kanya. I want to have a closure once and for all!" sabi ni Kim.

Hindi sumagot si Xian at sya naman ang tumingin sa kawalan.

"Pards, don't you trust me? I want our relationship to be perfect. Gusto kong maging smooth ang takbo nito. Kaya gusto kong magsimula tayo ng maayos, ng walang inaalala! Please Pards?" pagsusumamo ni Kim.

Tiningnan ni Xian si Kim.

"It's not that I don't trust you Pards, kay Carl ako walang tiwala. Pero kung yan ang gusto mo sige payag na ako. But promise me na last na ito ha? If makikipag-usap ka pa sa kanya eh di na ako papayag na solo ka. Sasama na ako next time!" sabi ni Xian.

Yumakap si Kim kay Xian.

"Promise this will be the last! Thank you! I love Pards!" sabi ni Kim.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now