Chapter 42

14.3K 120 50
  • Dedicado a Ma_Theresa and PearlBalingit
                                    

Chapter 42

"Babe!!!" sigaw ni Xian.

Nasalo nya agad si Kim bago ito bumagsak sa lupa.

Narinig iyon ni Mama Menchu kaya lumabas agad ito upang tingnan kung ano ang nangyayari.

"Anak anong nangyayari dito? Bakit walang malay si Kim?" natatarantang tanong ni Mama Menchu.

"Ma, I really don't know. Basta na lang po nawalan sya ng malay eh!" sagot ni Xian.

"Iho bring her to the nearest hospital para malaman natin kung ano nangyayari." sabi ni Mama Menchu.

"Okay Ma! Ito na lang kotse nya ang gagamitin ko!" sabi ni Xian.

"Sige Iho! Mag-iingat ka! Tatawagan ko si Zheny para ipaalam ito!" sabi ni Mama Menchu.

"Thanks Ma!" sabi ni Xian.

Dali dali nyang binuhat si Kim at dinala sa sasakyan nito upang dalhin sa malapit na ospital.

Nang makarating sila sa St. John's Hospital ay madali naman silang inasikaso ng mga nurse doon.

"Doc, please save my girlfriend! Hindi ko po alam kung anong nangyari. Basta nawalan na lang po sya ng malay." sabi ni Xian.

"Ok! Calm down Mr. Lim! Kami na ang bahala sa kanya." sabi ni Dr. De Guzman.

Naupo muna si Xian sa waiting area habang inaantay ang diagnosis ng doctor.

Maya maya ay dumating na sila Mama Menchu at Nay Zheny.

"Iho kamusta si Kim? Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Nay Zheny.

"Hindi pa po nalabas ang doctor Nay! Nasa ER pa po sila!" sagot ni Xian.

"Diyos ko sana naman ay walang masamang mangyari kay Kim!" usal ni Nay Zheny.

Makalipas ang kalahating oras ay lumabas na ang doctor mula sa ER.

"Mr. Lim..." sabi ni Dr. De Guzman.

"Yes Doc? Kamusta na po si Kim? Nandito nga po pala ang mother nya kasama din po ang mother ko!" sabi ni Xian na inakbayan si Nay Zheny at Mama Menchu.

"Oh! Magandang hapon po mga Misis!" bati ni Dr. De Guzman na kinamayan si Nay Zheny at Mama Menchu.

"Magandang hapon din naman po Doc! Kamusta na po ang anak ko? Ano po ang sakit nya?" tanong ni Nay Zheny.

"Well, all her vitals are normal! Wala naman kaming nakitang sakit nya maliban sa over fatigue! Masyado yatang nastress si Ms. Kim eh!" sabi ni Dr. De Guzman.

"Mabuti naman po kung ganoon!" sabi ni Mama Menchu.

"Maliban doon nalipasan siguro sya ng gutom!" dagdag ni Dr. De Guzman.

"Hindi pa po kasi sya kumakain eh!" sagot ni Xian.

"Ay oo nga! May dala pa naman syang bistek at adobo sa bahay kanina!" sabi ni Mama Menchu.

Napatingin si Xian kay Mama Menchu.

"So maiwan ko na po kayo! I have to attend to other patients! She will be transferred na sa kanyang room para makapagpahinga. At kapag okay na ang mga result nung ibang test sa kanya ay makakalabas na din sya bukas." sabi ni Dr. De Guzman.

"Salamat po Doc!" sabi ni Nay Zheny.

"Iho ikaw na muna ang bahala kay Kim! Bibili lang kami ng pagkain ni Zheny. Para makakain na sya paggising nya." sabi ni Mama Menchu.

Reunion of  Hearts (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora