Chapter 43

13.4K 106 29
                                    

Chapter 43

Nasa ganoong ayos pa din si Xian ng lumapit si Naomi.

"Xi what are you doing? Tumayo ka nga diyan!" sabi ni Naomi na inalalayan si Xian sa pagtayo.

Iwinaksi ni Xian ang kanyang braso.

"Bitawan mo nga ako Naomi! I thought you were a friend! Hindi ka pa din pala nagbago!" asik ni Xian.

"Hey, I'm just trying to help you ease the pain!" sabi ni Naomi.

"Ease the pain? Eh lalo mo lang pinalala ang sitwasyon eh!" sigaw ni Xian.

"Eh ginusto mo din naman yun ginawa ko sayo diba?" sabi ni Naomi.

"No Naomi! You abused my weaknesses! In fact si Kim ang nasa isip ko ng hinalikan mo ako!" sabi ni Xian.

"Really? Eh ngayon nasan na yang Kim na pinagmamalaki mo? Wala na diba? Iniwan ka na nya!" sarkastikong sabi ni Naomi.

"Shut up Naomi! Get lost! At pwede bang wag ka ng magpapakita sa akin? Pinagsisihan ko na ang araw na tinulungan kita at naging kaibigan kita!" sabi ni Xian.

"Sa tingin mo ay susuko ako? Nagkakamali ka Xian! SIsiguraduhin kong hindi na kayo magkakabalikan pa ni Kim! Kung hindi ka din lang mapupunta sa akin ay hindi ka din mapupunta kay Kim!" pagbabanta ni Naomi.

"Oh c'mon Naomi! Magising ka nga sa katotohanan! Kailanman ay hindi kita mamahalin. Isa lang ang kilala ng puso ko!" asik ni Xian.

"Please Xi! Mahalin mo lang ako at gagawin ko ang lahat para sa iyo! Ibibigay ko ang lahat na hindi kayang ibigay ni Kim sayo!" sabi ni Naomi na niyakap si Xian.

"Bitawan mo nga ako Naomi! Nakakadiri ka!" sabi ni Xian sabay tulak kay Naomi.

Maya maya ay may umawat sa kanila.

"Bro halika na umuwi na tayo!" sabi ni Mateo na inawat si Xian at Naomi. "At ikaw Naomi pwede bang umuwi ka na din!" sigaw ni Mateo kay Naomi.

"Hindi pa tayo tapos Xian! Mamahalin mo din ako!" sabi ni Naomi sabay alis sa lugar na iyon.

Naiwan sina Xian at Mateo sa lugar na iyon.

"Bro ano ba ang nangyari? Nagulat na lang ako sa sinabi ni Maja sa akin kanina eh!" sabi ni Mateo.

"Hindi ko maintindihan Bro! Ang bilis ng mga pangyayari! Bigla na lang ako hinalikan ni Naomi at yun ang nakita ni Kim." kwento ni Xian.

"Ano? Hinalikan ka ng babaeng iyon? Bakit?" sunod sunod na tanong ni Mateo.

"Ewan ko ba sa babaing iyon. Mahal daw nya ako! At gagawin daw nya ang lahat para mahalin ko din sya." sabi ni Xian.

"Eh sira ulo yata yun Naomi na yun eh!" sabi ni Mateo.

Tahimik lang si Xian na naisabunot ang mga kamay niya sa kanyang buhok.

"Anong sabi ni Kim sa nakita nya?" tanong ni Mateo.

"Ayun lalong tumindi ang galit sa akin. Ipinaliwanag ko na sa kanya ang nangyari pero ayaw nya makinig." sabi ni Xian.

"Bakit mo naman kasi naisipan na mag-inom? Sana ako na lang ang niyaya mo!" sabi ni Mateo.

"Ewan ko ba! Gusto ko lang makalimutan kahit konti ang problema ko pero nagkamali ako! Mas lalong lumala ang problema ko!" sabi ni Xian.

"Hindi naman kasi solusyon ang pag-inom ng alak sa mga problema! Pag-uusap ng masinsinan ang solusyon sa mga ganitong problema!" sabi ni Mateo.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now