Chapter 12

21.5K 85 34
  • Zadedykowane Genara Camat
                                    

Chapter 12

Sa America, dalawang araw bago ang birthday ni Mateo ay nag-iimpake na ng mga dadalhin nya si Xian. Nagpasabi na noon si Joey na wala syang ipapadala sa Pilipinas. Madaling natapos ng pag-iimpake si Xian kaya papunta na sya kina Marga para sunduin ito. After lunch ang alis nila papuntang airport kasi hapon ang flight nila kaya bukas na ng tanghali o hapon ang dating nila sa Pilipinas. Tatawag na sya kay Laureen ng biglang magring ang telepono nila sa bahay.  Sinagot nya ito at nabosesan nya ang kasambahay ni Marga.

"Hello Sir Xian kayo po ba ito?" tanong ni Aling Paz.

"Aling Paz ako nga ito. Papunta na po ako dyan para sunduin si Marga." sabi ni Xian.

"Okay po Sir! Magmadali po kayo at emergency po!" sabi ni Aling Paz.

"Anu po ang nangyayari?" tanong ni Xian na kinakabahan.

"Si Ma'am Marga po kasi nagsusuka!" sabi ni ALing Paz.

"Ha? SIge po papunta na po ako dyan." yun lang ang nasabi ni Xian at dali-daling umalis ng bahay nila. Binitbit din ni Xian yun mga hinanda nyang gamit.

Kinakabahan si Xian habang nagmamaneho. Kung ano anong pumapasok sa isip nya. Narating nya ng madali ang bahay nila Marga.

"Aling Paz nasan po si Marga?" tanong si Xian.

"Sir nasa kwarto po nya." sagot ni Aling Paz.

"Okay Aling Paz. Samahan nyo po ako." sabi ni Xian at pumunta na sila sa kwarto ni Marga.

Kumatok muna sya bago buksan ang pinto. Nakita nya na nakahiga si Marga at nanlalambot. Nilapitan nya agad si Marga pagkakita sa ganoong ayos.

"Marga are you okay? What happened to you?" tanong ni Xian na tinutulungan na bumangon si Marga. "Aling Paz can you please get water for Marga!" utos ni Xian kay Aling Paz.

"Xi you're here! Ready ka na bang umuwi?" tanong ni Marga na pinipilit magpakita na malakas sya.

"Yeah I'm ready! Teka anu bang nararamdaman mo?" sabi ni Xian.

"I feel dizzy at feeling ko nasusuka ako lagi. Effect ito ng chemo ko." sabi ni Marga.

"Okay! Pero I think hindi tayo makakaalis ngayon!" sabi ni Xian.

"You can go Xi kahit hindi ako makasama." sabi ni Marga.

"No Marga! I will not leave you sa ganitong kalagayan mo!" sabi ni Xian.

"But ito na ang pagkakataon mo na makausap si Kim." pahayag ni Marga.

"Yeah this might be the chance pero di ko kayang iwan ka! You needed me more here. Buti kung nandito si Tito Ben to take care of you." sabi ni Xian.

"Eh paano na yan?" sabi ni Marga.

"Pwede naman tayong umalis bukas or maybe some other time na lang. Basta ang mahalaga ngayon ay ang kalagayan mo." sabi ni Xian.

"Thank you Xi and sorry kung nagiging pabigat ako sayo." sabi ni Marga.

"No Marga! Di ka pabigat no! I'm your friend and I'm always here for you." sabi ni Xian.

Tuamyo si Marga para pumunta ng CR ng biglang.....

"MARGA!!!" sigaw ni Xian. "Aling Paz help me. Nahimatay si Marga. Dadalhin ko sya sa hospital." sabi ni Xian.

"Okay sir!" sabi ni ALing Paz na ibinaba sa side table ang tubig na dala-dala at inalalayan si Xian sa pagbuhat at pagdala kay Marga sa sasakyan.

"Aling Paz aalis na ako! I'll call you kung anu man ang mangyari." sabi ni Xian at pinaandar na ang sasakyan.

Reunion of  Hearts (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz