Chapter 47

15.3K 173 68
  • Dedicated to jhEm_91, GayzelDianeEvangelis and JayleenGraceGarces
                                    

Chapter 47

"Manang Paz!!!" sabay na sabi nila Kim at Xian.

"Diyos ko! Mga bata kayo!" gulat na bulalas ni Manag Paz na nag-sign of the cross pa ng makita ang kanilang ayos sabay sara ng pintuan.

Dali daling bumangon sila Xian at Kim.

Magkasunod na lumabas ang dalawa. Nagtungo sila sa komedor upang kausapin si Manang Paz tungkol sa kanyang nakita.

"Oh magsi-upo na kayo dyan ng makakain na kau. Baka lumamig pa ang mga iyan." sabi ni Manang Paz na nagtitimpla ng kape.

"Salamat po! Tungkol po sa nakita nyo kanina..." sabi ni Xian.

"Ano ba ang nakita ko kanina?" tanong ni Manang Paz na lumapit sa lamesa na kinaroroonan nila.

"Nay Paz, alam ko pong nagtataka kayo kung bakit kami magkasama ni Xian sa iisang kwarto." sabi ni Kim.

"Natulog lang po kaming dalawa kagabi. Sobrang namiss ko lang po itong si Kim." sabi ni Xian.

"Mga anak, wala naman kayong dapat ipaliwanag. May tiwala ako sa inyong dalawa. Isa pa malalaki na kayo!" sabi ni Manang Paz.

"Salamat po Nay Paz! Hindi na po iyon mauulit." sabi ni Kim.

"Kailan ka ba dumating Iho?" tanong ni Manang Paz. "At saka bakit bigla kayong nagsulputan dito? Nakakagulat kayo eh." sabi ni Nay Paz.

"Kagabi lang po ako dumating. At kaya po ako nandito eh upang i-save ang kompanya namin dito. Ewan ko lang dito kay Kim kung bakit sya nandito?" sabi ni Xian na humigop ng mainit na kape.

"Nandito naman po ako para magbakasyon Nay Paz!" sabi ni Kim na humigop din ng kape.

"Totoo ba yan Iha? O baka naman sumunod ka dito para kay Xian?" sabi ni Nay Paz.

Nasamid si Kim sa sinabing iyon ni Nay Paz.

"Oh napaano ka Kim?" tanong ni Xian na hinagod ang likod ni Kim.

"Wala nasamid lang ako. Baka nag-aalala lang sila Nay Zheny sa akin. Hindi pa kasi ako tumatawag sa kanila." sabi ni Kim. "Excuse me tatawagan ko lang sila." paalam ni Kim.

Nang makaalis si Kim ay muling nagsalita si Nay Paz.

"Akala ko hindi na matutupad yung binilin ko sayo noon eh!" sabi ni Manang Paz.

"Manang di ba sabi ko sayo gagawin ko ang lahat. Kaya eto na kami! Di nga lang kami sabay dumating pero at least magkasama na kami ngayon." sabi ni Xian.

"Masaya ako para sa inyo. Nakikita talaga sa mga mata nyo na mahal nyo ang isa't isa. Huwag mo syang sasaktan at papakawalan ha iho?" sabi ni Manang Paz.

"Makakaasa po kayo Manang! Mahal na mahal ko po si Kim at lahat ay gagawin ko para hindi masira itong relationship namin." sabi ni Xian.

"Mabuti naman Iho! Ipagdadarasal ko ang inyong pagsasama at kaligayahan." wika nito.

"Maraming salamat po Manang Paz!" sabi ni Xian.

"Hala kumain ka na! Magdidilig lang ako sa labas." sabi ni Manang Paz.

"Puntahan ko lang po si Kim. Sabay na lang po kaming kumain." sabi ni Xian.

Nasa kwarto nya si Kim upang tawagan si Nay Zheny.

Kumatok muna si Xian bago ito pumasok.

"Babe halika, kain na tayo!" yaya ni Xian na tumabi kay Kim sa kama nito.

"Ano bang ginagawa mo dito? Baka mamaya makita na naman tayo ni nay Paz eh kung ano ulit isipin nun!" sabi ni Kim na lumayo ng kay Xian.

"Lumabas si Manang Paz. Tsaka may tiwala naman sya sa atin eh." sabi ni Xian.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now