Chapter 39

16.2K 143 50
                                    

Chapter 39

Hindi pa nakakapasok si Kim sa kanilang bahay ay tumunog na agad ang kanyang cellphone.

Nakita nya na si Xian ang tumatawag. Sinagot nya iyon agad.

"Hello Babe! Bakit napatawag ka kaagad?" sagot ni Kim.

"Babe! I missed you! 10 minutes away pa lang ako sayo eh missed na kita!" sabi ni Xian.

"Sus naman ang Babe ko! Don't worry missed na din kita!" sabi ni Kim.

"May nakalimutan akong sabihin sayo kanina!" wika ni Xian.

"Ano naman iyon Babe?" tanong ni Kim.

"I love you so much Kim!" sabi ni Xian.

"Ha? Nagiging choppy ka Babe! Di ko maintindihan!" sabi ni Kim na gusto lang ipaulit kay Xian ang mga salitang iyon.

"Ganoon ba? Ang sabi ko I LOVE YOU SO MUCH!!!" sigaw ni Xian.

"And I love you too Babe!" malakas na sabi ni Kim.

Biglang may tumigil sa harap ng bahay nila na sasakyan.

Nagulat si Kim ng makita nyang bumaba si Xian mula doon. Muntik pa nya mabitawan ang kanyang cellphone.

"Babe! What are you doing here? Diba susundo ka kay Patrice?" gulat na tanong ni Kim.

"Babe hindi ko kaya eh! Kaya tinawagan ko si Mang Roy at sinabi ko na sya na lang ang sumundo kay Patrice." sabi ni Xian.

"Babe, you don't have to do that! Magkikita naman tayo bukas eh. Pwede mo naman akong tawagan. Ayaw ko lang isipin ng family mo na kinukuha ko ang oras mo para sa kanila." paliwanag ni Kim.

"But I'd love to Babe! At wag kang mag-alala hindi naman ganoon mag-isip ang pamilya ko! They understand us!" sabi ni Xian.

"Kahit na Babe! Ayoko lang isipin nila na inaabuso natin ang kabaitan nila sa atin!" sabi ni Kim.

"Okay Babe! I'm sorry! May mga pumapasok lang sa isip ko ng kung anu-ano. Parang ayaw ko na mawala ka sa paningin ko." sabi ni Xian na hinawakan ang mga kamay ni Kim.

"Babe wag ka nga mag-isip ng ganyan! Diba ikaw ang superhero ko? Eh bakit ganyan ka ngayon?" sabi ni Kim.

"Ewan ko ba! Pagdating sayo nakakaramdam ako ng takot! Ayaw ko na kasing mapalayo sayo. Yun 10 years na magkalayo tayo ay parang nasa impiyerno ang buhay ko." sabi ni Xian.

"Ang OA mo na Babe ha! Babe, remember this, Ako ay para sayo lamang at Ikaw naman ay para sa akin lamang. At hinding hindi na mauulit yun pagkakalayo natin noon." sabi ni Kim.

"Hinding hindi na talaga! Hinding hindi ako papayag na mangyari ulit yun! You are my life now! Kapag nawala ka maaaring mawala din ako." sabi ni Xian.

"Don't keep promises Babe! Gawin na lang natin yun! Mahirap na baka umasa lang tayo!" sabi ni Kim.

Lumakad si Kim sa may veranda upang maupo doon. Sumunod naman si Xian sa kanya.

"Alam mo Babe, ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko. Ganito pala talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao." Sabi ni Xian na inakbayan si Kim.

"Tama ka Babe! Kahit nagkaroon na ako ng past relationship eh hindi ko ito naramdaman noon! Minsan naninibago din ako sa sarili ko kasi hindi naman ako ganito ka-open dati nung kami pa ni Carl. Pero sa maniwala ka at sa hindi minahal ko din ang mokong na yun! Sinayang lang nya!" sabi ni Kim.

"Babe, speaking of Carl, kailan mo sya balak kausapin?" tanong ni Xian.

"Babe sorry ha! Hindi ko pa nakakausap si Carl eh! Hindi ko pa ulit sya nakikita after nung nangyari sa akin sa fun run!" sabi ni Kim.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon