Chapter 29

19.9K 134 57
                                    

Chapter 29

"Kim..." sabi nun nasa kabilang linya.

Hindi pa din makapagsalita si Kim. Parang ayaw lumabas nun boses sa bibig nya.

"Hello! Are you still there?" sabi nun nasa kabilang linya.

"Xian!?! Ikaw ba yan?" tanong ni Kim ng magkaroon na sya ng boses.

"Yes Kim! Ako nga ito!" sagot ni Xian.

"Oh my God!" bulalas ni Kim. 

"Happy birthday Pards!" bati ni Xian.

"Thank you!" pasasalamat ni Kim.

"How are you? How was your birthday celebration?" casual na tanong ni Xian.

"I'm good. The party is doing well!" tipid na sagot ni Kim.

"That's great! I heard the background music there and I remember something!" sabi ni Xian na tumahimik bigla.

Natahimik din si Kim at pinakinggan yun kanta na I'll be.

Halo halong emosyon ang nararamdaman nya ngayon na hindi nya maipaliwanag. Pero ang nangingibabaw sa kanya ay ang pagkamiss at pag-aasam na makita muli si Xian.

"Pards, I know madami akong pagkukulang sa iyo. But if you'll give me a chance to explain it all eh gagawin ko ang lahat para maunawaan mo kung ano yun pinagdaanan ko dito noon." sabi ni Xian.

Tahimik lang na nakikinig si Kim habang unti unting lumalabo ang paningin dahil sa nagbabantang pagbagsak ng mga luha.

"I'll explain it to you in detail when I get back in Philippines! And it will be soon, Pards! Then kung hindi mo matanggap yun explanation ko eh it's up to you basta ako nasabi ko lang yun side ko." sabi ni Xian na humihina na din ang boses.

Ramdam ni Kim kung gaano naghihirap ang kalooban ni Xian ng mga oras na iyon. Yun din kasi ang nararamdaman nya sa mahabang panahon na pagkakahiwalay nila.

"Xian, why you took it so long bago mo ako kinausap? Ang daming nangyari, ang daming nagbago at ang daming nawala." sabi ni Kim na mahina din ang boses kasi ayaw nyang makinig ni Xian na umiiyak na sya ng mga oras na iyon.

"Soon, Kim malalaman mo yun lahat. But for now enjoy your party! You deserve to be happy! And always take care of yourself, Pretty Lady!" sabi ni Xian.

"Pretty Lady?!?" gulat na tanong ni Kim.

Nagulat si Xian sa tanong ni Kim.

"Ha? Ah... Eh... Sige Pards I'll hang up na! I need to prepare myself for work. Hope to talk to you again soon." sabi ni Xian.

"Wait Xi! I wanna talk to you more!" sabi ni Kim.

"Next time Kim! Give my regards to everyone!" sabi ni Xian. "And I miss you so much Pards!" dagdag ni Xian.

Magsasalita pa si Kim ngunit wala na si Xian sa kabilang linya.

Naiwan si Kim na nakaupo sa isang bench sa labas nung restaurant. 

"I missed you too Pards!" sabi ni Kim sa sarili.

Pumatak ang masasaganang luha sa mga mata ni Kim. Itinaklob nya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha.

Maya maya ay may naramdaman syang tumabi sa kanya.

Nag-angat sya ng kanyang mukha at nakita nya si Maja na nasa tabi nya.

"Girl, what happened? Why are you crying? It's your night tonight tapos ganyan ang mukha mo?" sabi ni Maja na hinahagod ang likod ni Kim.

"Bakit ganoon? Gusto ko syang sumbatan kaninang kausap ko sya dahil sa mga pagkukulang nya noon pero nung kausap ko na sya eh wala na akong masabi?" bulalas ni Kim.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now