Chapter 45

14.4K 153 65
  • Dedicated to @XianLimWarriors and @TropangKimUy
                                    

Chapter 45

Naman! Bakit ngayon ka pa nagtraffic! God, I hope it's not too late! Please!!!

Usal ni Kim ng mastock siya sa traffic ng mga oras na iyon.

9:25am na ng makarating siya sa Airport. 

Hindi agad siya pinapasok sa loob. Nakiusap siya sa security guard at ibang staff ng airport para papasukin siya.

Hilam na hilam na ang mga mata ni Kim sa luha habang nagmamakaawa sya sa mga staff ng airport.

Ang isang staff ng airport ay naawa kay Kim kaya sinamahan sya sa loob ng boarding area.

Wala ng tao doon ng makarating sila.

Nanlumo si Kim at napaupo sa upuan na nandoon.

Napasubsob sya sa kanyang mga palad at doon nagsimulang umiyak.

Maya-maya ay nag-ring ang cellphone nya.

"Hello!" sagot ni Kim na garlgal ang boses dahil sa pag-iyak.

"Girl, ano naabutan mo ba si Xian?" tanong ni Maja.

Humagulhol na ng iyak si Kim.

"Hey! What's wrong?" sabi ni Maja sa kabilang linya.

"Girl, iniwan na nya ako!!!" sabi ni Kim na lalong umiyak.

"What? Hindi mo sya naabutan?" sabi ni Maja.

"Yup. Anong gagawin ko?" tanong ni Kim.

"Okay! Hintayin mo ako dyan! Papunta na ako dyan." sabi ni Maja.

Pinatay na ni Kim ang kanyang cellphone at sumubsob ulit sa kanyang mga palad.

"Ma'am, I know how you feel. Pero bawal na po kayo magstay dito. Baka ako naman po ang mapagalitan." sabi ng staff na tumulong sa kanya.

Tumango lang si Kim saka tumayo at naglakad na palabas ng airport.

"Salamat ha!" sabi ni Kim sa staff ng airport.

Nasa labas na si Kim ng makasalubong nya sina Maja at Mateo.

Agad nya itong niyakap at doon ay umiyak sya ulit.

"Shhhh.. Tahan na girl! Umuwi na tayo para makapagpahinga ka. Masyado kang nastress." sabi ni Maja.

Lumakad na sila patungo sa lugar kung saan nakaparada ang sasakyan nila.

Inihatid na nila Maja at Mateo si Kim sa kanilang bahay.

Tulala ito at hindi makausap ng dumating sila sa kanila.

Si Maja at Mateo na ang nagpaliwanag kay Nay Zheny.

Naunawaan naman ni Nay Zheny ang pinagdadaanan ni Kim ngayon.

Nakarating na si Xian sa New York.

Nagulat si Marco sa pagdating ni Xian.

"Pare bakit naman hindi mo sinabi na padating ka ngayon sana man lang eh nasundo ka namin sa airport." sabi ni Marco ng salubungin nito si Xian.

"Okay lang yun Pare! Kamusta na?" sabi ni Xian.

"Mabuti naman! Kaw Pare kamusta? Akala ko nakalimutan mo na kami dito eh." sabi ni Marco.

"Mabuti din naman ako. Pasensya na kung hindi man lang ako nakipagcommunicate sa inyo. Naging busy ako sa Pinas eh. Nasan na nga pala si Marga?" sabi ni Xian.

Reunion of  Hearts (Completed)Where stories live. Discover now