BOOK 3- Chapter 5

602 15 7
                                    

CHAPTER 5


“It was something to be treasured and remembered in the future.”
  -c.




Pagkatapos namin kumain namin ni Hunter ay bumalik na siya sa opisina. Gusto sana niya ako ihatid pero hindi siya pwedeng umalis. Mag-isa ako umuwi at naabutan si Naio na nilalaro si Avee sa kwarto.


“Saan ka galing, ate?” Tanong ni Naio.


“Pinuntahan ko si Hunter.”


“Date?” Ngisi niya.


Bigla akong natawa. “Hindi no.”


Umayos ng upo si Naio habang pinaglalaruan ni Avee ang kanyang kamay. “Ate... mabait si Kuya Hunter...”


“Naio, alam ko. Pero hindi pa ako handa. Ayokong umasa si Hunter.”


“Naiintindihan ko, ate. Alam mo naman na susuportahan kita palagi diba?”


“Salamat, Naio.” Pilit na lang akong ngumiti at sumali sa kanila ni Avee sa kama.


Dinadaldal ni Naio ang anak ko. Tuwang tuwa naman ako habang pinagmamasdan sila. Alas singko nang dumating si Hunter at naabutan niya kami sa kwarto na nanonood ng mga nursery rhymes sa laptop na dinownload ni Naio. Natatawa kami sa tuwing sinusubukan na gayahin ni Avee ang mga kantang naririnig niya.


“Galing naman ng baby ko!” Sabi ni Hunter nang marinig si Avee na tuwang tuwa sa pinapanood.


Lumapit siya samin at hinalikan ako sa ulo. Hinalikan din niya si Avee kahit busy at tutok sa panonood.


“Gutom ka ba?” Tanong ko.


“Okay lang ako.” Ngiti niya. “Magbibihis lang ako.” Aniya saka lumabas na ng kwarto.


“Ate, iwan ko na kayo ah. Gagawa pa ako ng homeworks ko.” Paalam ni Naio.


Kaming dalawa na lang ni Avee ang nanood. Ilang sandali lang ay bumalik si Hunter at sinamahan kami. Kinuha niya si Avee sakin. Sinasabayan din niya ang pagkanta ng nursery rhyme habang nakatingin kay Avee. Patago kong kinuha ang cellphone ko at kinuhanan sila ng picture at video.


Ganun lang ang ginawa namin hanggang sa tawagin na kami para mag-dinner. Day off bukas ni Hunter hanggang Sunday. Weekends ang off niya dahil sa HR na siya. Sinabihan niya agad ako na aalis kami bukas kasama si Avee.


Kaya kinabukasan ay umalis kami at nagpunta ng mall. Kumain kami sa isang restaurant. Hindi ako napagod kumuha ng picture namin. Namili kami ng mga damit naming tatlo. Pagkatapos namin mamili ay nag-grocery na rin kami. Dahil sa marami ang mga pinamili namin ay pinasok namin agad sa sasakyan ang mga iyon at bumalik sa loob ng mall.


“Dito tayo.” Ani Hunter nang makarating kami sa cyberzone kung saan may mga upuan.


“Anong gagawin natin dito?”


“Gib, huwag kang mabibigla, please. May hinihintay lang tayo.”


“Sino?”


Hindi niya ako sinagot. Tahimik na lang akong naghintay habang nakaupo. Siya naman ay tahimik din na palinga-linga habang hawak niya si Avee. Kinakabahan ako sa kung sino ang hinihintay namin. Hindi kaya si Damon? Pero imposible.


Nasagot ang mga tanong ko nang makita ko si Reige. Sobrang laki ng pinagbago niya. Hindi ko siya halos makilala dahil sa ang kapal ng kanyang beard na bumalot sa kanyang baba hanggang pisngi. Nang magtama ang mga mata namin ay dali dali niya akong nilapitan at niyakap. Sinuklian ko naman iyon. Kinurot agad ang puso ko. Isa rin si Reige sa mga bigla ko na lang iniwan noon.


That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon