"Hindi ka din naman kasi gumawa ng paraan para malaman." Nagulat ako sa sinabi nya. "Hindi mo alam at wala kang alam kasi wala ka din namang oras para alamin kung anung nangyayari sakin." Natahimik ako bigla sa sinabi nya.


"Anu Reah? Di ba tama ako? Busy ka din naman palagi kaya nga hindi ko masabi sayo kasi ayaw kong dagdagan yung mga problemang iniisip mo. Sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataong sabihin sayo saka mo sasabihin sakin yang mga problema mo pero ako narinig mo ba na minsan nag-open ako ng problema ko sayo. Parang hindi ko nga matandaan na tinanong mo ko kung kamusta ako o kung anu ng nangyayari sa album at concert ko. Wala ka na din namang oras para sakin Reah pero narinig mo bang sinumbatan kita? Hindi naman di ba?"


"Kasi ang alam ko naiintindihan mo ko at ang buong akala ko loyal ka sakin."


"Loyal ako sayo Reah at kahit kailan hindi ko naisip na tumingin sa iba kasi ikaw lang yung babaeng mahal ko. Oo naiintindihan ko naman na marami kang ginagawa at marami kang problema kaya nga ayaw ko ng madagdagan yun at kaya nga hindi ko na nasabi sayo kasi alam kong madadagdagan ko lang lahat ng iniisip mo."


"Pero hindi rason yan para maglihim ka pa din sakin." 


"I know! Alam ko hindi tama yun pero Reah intindihin mo din naman ako kahit ngayon lang. Wala naman akong ibang inisip kundi ikaw lang eh. Tayong dalawa lang. Alam mong mahal kita Reah at kahit anu kaya kong gawin para sayo kaya please gusto ko ng matapos tong gulo na to. Parang-awa mo na patawarin mo na ako." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.


Hindi na ako nakapagsalita. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko na masabi dahil wala na kong lakas para makipagtalo pa sa kanya. Hinayaan ko lang syang hawakan ako. Hindi ko alam kung bakit kahit alam kong miss ko sya hindi ko pa din magawang yakapin sya. Napapangunahan pa din ako ng galit ko sa kanya. Gusto ko syang paalisin sa harap ko.





"Reah nakalimutan mo nga pala---"


Nagulat kaming dalawa ni Kaye ng biglang pumasok si Michael. Napahinto din si Michael nagulat din sya ng makita nya kaming dalawa ni Kaye. Inalis ko agad pagkakahawak sakin ni Kaye at lumapit kay Michael para kunin yung bag na pinapaabot nga pala sakin ni Lola Flor kanina.


"Thank you dapat hindi mo na hinatid pwede ko namang kunin bukas." Sabi ko kay Michael pero hindi nya ko pinansin nakatingin lang sya kay Kaye at ganun din si Kaye sa kanya.


"Nga pala Khel si Kaye. Kaye si Michael. Kaibigan ko."


"Kilala kita." Nagulat ako sa sinabi ni Kaye. Napatingin ako kay Michael napangiti lang sya sa sinabi ni Kaye.


"Akala ko ba wala kang kilalang Reah?" Tanong ni Kaye. Napatingin ulet ako kay Kaye. Hindi ko maintindihan sinasabi nya.


"Wala nga. Pero panget meron." Nakangising sagot ni Michael.


"Michael? Anu na naman to?" Tanong ko.

TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now