"Sana naisip mo yan bago mo ginawa sakin yun. Kaye alam mong yun yung pinakaayaw ko sa lahat. Alam mo na naghiwalay na tayo dati dahil din dyan pagsisikreto mo sakin."


"Reah alam ko kaya nga ako nandito ngayon para ipaliwanag sayo lahat eh."


"Sige! Pagbibigyan kita, ipaliwanag mo sakin kung bakit kailangan mong itago sakin lahat. Ipaliwanag mo sakin kung bakit pakiramdam ko wala kong kwentang girlfriend para sayo—"


"Reah.."


"Anu!? Ipaliwanag mo sakin! Ipaliwanag mo sakin kung bakit pakiramdam ko kulang na kulang pa ako para sayo at kung bakit kahit anung gawin kong kakaisip sa sagot kung bakit ginawa mo sakin to hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit. Kung bakit kailangan mo pang maghanap ng iba samantalang nandito naman ako, kaya ko naman ibigay sayo yung suporta na gusto mo Kaye eh pero bakit hindi mo sinabi sakin? Bakit Kaye? Kulang pa ba ako? Hindi ba sapat lahat yung pagmamahal at suporta na ibinibigay ko sayo?"


"Reah hindi ako naghanap ng iba."


"Pero bakit!? Bakit nandito sya!? Bakit kasama mo sya?! Bakit mas pinili mo syang samahan kaysa sakin ha? Mas inuna mo syang piliin kaysa sakin?"


"Reah anu to? Tungkol pa din ba to sa Anniversary nating dalawa? Akala ko okay na yun nakahabol naman ako ha umabot ako."


"Oo nakahabol ka! Umabot ka kung kailan patapos na. Kaye 24 hours pero anu? Ilang oras binigay mo sakin ha? Wala! Isang minuto lang para masabi mo lang na nakaabot ka!"


"Reah alam mong gustong gusto kong makabalik nun pero hindi ko magawa dahil naistranded ako."


"Wag mong gawin rason yan Kaye! Dahil unang una sa lahat pwede mo naman syang tangihan nung sinabi nya yun sayo pero anu pumayag ka lang kahit alam mo na pwede kang malagay sa ganung sitwasyon samantalang ako Kaye isang buwan pa lang bago yung araw na yun pinagplanuhan ko na lahat, hinanda ko na lahat kasi gusto ko maging espesyal yung araw na yun para sating dalawa pero ikaw anung ginawa mo? Wala! Dahil mas inuna mong ipriority yung iba kaysa sakin."


"Reah hindi naman sa ganun."


"Eh anu?! Sa tingin mo ba iisipin ko pang trabaho lang talaga ginawa mo dun? Sa tingin mo ba maniniwala pa ko sayo pagkatapos nitong mga paglilihim mo sakin? Sa tingin mo ba ganun lang kadaling tanggapin lahat Kaye?"


"Reah please alam ko mali ako sa part na yun pero promise ginawa ko naman lahat para lang makabalik sayo para lang makasama ka nung araw na yun. Please Reah maniwala ka naman sakin alam ko nabawasan yung tiwala mo sakin pero---"


"Nabawasan? Sa tingin mo ba nabawasan lang Kaye?"


"Reah..."


"Wala na kong tiwala sayo." Pagkasabi ko nun hindi na sya nakapagsalita.


"Hindi lang naman to tungkol sa araw na yun na pinagmuka mo kong tanga eh kasi hindi lang naman isang araw yun. Two months Kaye! Two months mo kong pinagmukang tanga at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sayo."

TWO HEARTS (Book 3)Where stories live. Discover now