53

271 11 5
                                    


Tin POV

NAGLIBOT ako sa campus kakahanap ng cctv sa paligid. Siguro kung maipapakita ko kung nasaan si Ayo ng mga panahong yun ay maabswelto siya mula sa kaso.

Kakahanap ko sa paligid ay hindi ko na namalayan ang oras. Maggagabi na pala, at mukhang maglilibot na ang Night officers.

Pabalik na sana ako sa dorm nang may marinig ako kaluskos sa paligid ko. Naisipan kong magtago sa may gilid para hindi ako makita nang kung sino man yun. Kung night officers yun ay hindi ko pepwedeng hayaan na mahuli ako dahil kapag ganun ay hindi ko matutulungan si Ayo.

Kaagad namang nanlaki ang mata ko nang silipin ko kung sino iyon. It was Han.

What is she doing here?

Napansin kong parang may hinahanap ito kaya naman lalo akong nagtago para malaman kung ano ang hinahanap niya. Parang hindi ito mapakali at mukhang desidido itong mahanap kung ano man ang hinahanap nito.

Nag-dial ito sa cellphone niya at hindi ako nagdalawang isip na makinig mula dito.

"Hello... Yes! I'm looking for a way to tidy things up... I KNOW WHAT I'M DOING! Don't tell my mom about this. Kaya kong ayusin to ng mag-isa and I will not leave any evidences. Just help me find the CCTV footage of the day I took the test papers."

Napatakip ako sa bibig ko. It was Han who did it?! Paano niya nagawa yun? At pinalabas pa niyang si Ayo ang kumuha non! I can feel the blood rising to my head. Sobrang galit ako ngayon dahil sa ginawa niya kay Ayo!

"HAN!" Lumapit ako kay Han at mabilis itong sinampal. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla sa pagkakakita sa akin. "Hindi ko akalaing kaya mong gawin 'yon! Ganyan ka ba kadesperada na makuha ang top spot na kahit may ibang taong maagrabyado ay hindi ka nakokonsensya?! Ayo's about to be expelled and it's all because of you!"

"You don't know anything so stop acting like you do—" sinampal ko siyang muli at gumanti ito pero naharang ko ang kamay niya.

"I will do everything to expose you and your dirty works, Han. Gagawin ko ang lahat para mapabalik si Ayo!"

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now