36

338 13 6
                                    

Tin POV

Nakaupo lang ako sa labas ng kwarto ni Ayo dito sa ospital.

Pagkatapos kasi niya akong halikan ay kaagad siyang nawalan ng malay kaya naman isinugod siya sa pinakamalapit na ospital. Tinawagan kaagad ang doctor na nag-aasikaso sa kalagayan ni Ayo.

Nilapitan nanaman ako ng kamalasan at dahil dun ay napahamak nanaman si Ayo.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ni Ayo at nakita ko ang doctor niyang lumabas don. Tumingin ito sa akin ng may ngiti sa labi.

"Tin Montecillo, right?" Tumango naman ako. "Don't worry, Ayo is doing fine. In fact, according sa tests ko sakanya ay mukhang nagde-decrease ang negative outbreaks niya when it comes to physical contact. I heard that he kissed you and that's a good sign."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng doctor ni Ayo atsaka ako napayuko at namula. Hays! Bakit kailangan niya pang sabihin yun.

"Ipagpatuloy niyo lang ang ganyan-"

"Ang pagki-kiss po?!" Biglang napatawa ang doctor saka tinapik ang balikat ko.

"No. Not exactly, what I mean is ipagpatuloy nyo lang ang pagkakaroon ng physical contacts na si Ayo ang nag-iinitiate. Kasi kaunti na lang ay he can get over that phobia already. Gising na nga pala siya, you can talk to him. Well, I need to go. See you around."

Nang makapaglakad na palayo yung doctor ni Ayo ay napahawak ako sa pisngi ko. Nakakahiya! Kung anu-ano naman kasing pinagsasasabi ng bunganga ko eh.

Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Ayo tsaka ako naglakad papunta dun. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob tsaka binuksan ang pintuan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Ayo na nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana.

Kaagad rin napadako ang tingin ko sa labi niya.

ฅ( ̳• ◡ • ̳)ฅ *ultimate blushing*

Waaah! Erase erase, Tin! H’wag mo ng isipin ang nangyari! Nangyari na! Hindi na mababalik!

“Are you done daydreaming?” Bumalik ako sa katinuan ng sabihin yun ni Ayo. Nakatingin lang siya sa akin kaya naman napayuko ako at napahawak sa daliri ko.

“A-ah, ano.. S-sorry k-kasi nadamay nanaman kita s-sa kamalasan k-ko. Tsaka, kaya mo lang naman ako hinalikan kasi di’ba g-gusto mong makuha yung prize ni Mi-mikay?” Biglang tumayo si Ayo tsaka lumapit sa akin. Napaatras naman ako habang papalapit siya hanggang sa napasandal ako sa pader. Inilagay ni Ayo ang magkabilang kamay niya sa dalawang gilid ko tsaka inilapit sa mukha ko ang mukha niya.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now