25

326 18 17
                                    

Han POV

NAIBAGSAK ko ang phone ko nang malaman ko ang ginawa ng bodyguard ko. It's not what I wanted.

“Hindi ko sinabing tanggalin nyo ang oxygen tube ni Aya! Paano kung hindi nakaligtas si Aya?! Sana dinistract niyo lang si Primo!”

“Pero ma'am yun lang po ang makakapagpa-distract kay Primo.”

Ibinaba ko ang tawag at napakagat sa kuko ko. Hindi ako mapakali. What have I done? Someone almost got killed. P-pero nagtagumpay naman ako diba? Hindi nag 100% si Primo at Tin. Yun ang mahalaga ngayon.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Shanen POV

“Are you sure na okay ka lang, Tin?” Tanong ko kay Tin. Hindi kasi siya papasok ngayon dahil sobrang sama daw ng pakiramdam niya. Pero mabuti na lang at bumalik na kami sa clubroom namin kaya hindi siya mama-mark as absent.

“Okay lang ako. Pahiram na lang ako ng lectures mamaya.”

“Sige Tin. Pasok na ako.” Kinuha ko ang mga gamit ko tsaka ako pumunta sa clubroom.

Nagturo na si Sir Trent atsaka naman ako nagnotes para kay Tin.

Mabilis rin namang natapos ang klase. Pagtayo ko lumapit sa akin si Sir Trent. “Oh, Ms. Gonzales, kailangan mong ibigay ito kay Tin. She needs to fill this up right now. Pwede bang ibigay mo na sakanya ngayon?” Inabot sa akin ni Sir Trent ang isang papel.

“Ah. Sige po.”

“Thank you.” Lumabas ako ng clubroom para bumalik sa dorm at ipa-fill up ‘tong binigay ni Sir Trent.

Paging Shanen Gonzales. Please proceed to the guidance office right now.

Oh no! Ngayon ko nga pala kailangang magreport kay Miss L. Pero paano tong pinapa-fill up ni Sir Trent? Hala.. Paano ko ba hahatiin yung katawan ko nito?

Naglakad lakad ako. Baka may pwede akong utusan para ibigay kay Tin ang papel. Di ko rin kasi makita si Kaye. Di naman pwede kay Han baka bulyawan niya ako.

Bigla ko namang nakita si Primo na lumabas ng clubroom. Maglalakad na sana siya papalayo pero hinarang ko siya.

“What do you want?”

“Pwede favor? Please pakibigay naman ‘to kay Tin. Kailangan na niya kasing ma-fill up-an to! Pinapatawag kasi ako sa guidance office eh! Please!” Sabi ko kay Primo habang pinapakita sakanya ang papel na pinabibigay ni Sir Trent. Saglit na nagsalubong ang kilay niya.

Again, paging Shanen Gonzales. Please proceed to the guidance office right now.

“Please huh! Pakibigay ha?! Kailangan ko na talagang umalis! Maraming salamat Primo! Maraming salamat!” Pagkabigay ko sakanya ng papel humarurot na ako ng takbo. Malalagot ako kay Miss L!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ayo POV

“Hoy teka sandali!” Hindi na siya lumingon at napakabilis na tumakbo palayo. Tiningnan ko naman ang papel. Isang form pala na sinasagutan ng mga transferee students.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now