15

394 15 7
                                    

Tin POV

WEEKENDS ngayon kaya hinayaan kaming pumunta sa mga gusto naming lugar. Napagpasyahan ko namang pumunta kay Ate Jung at bumili ng lomi. Balak ko kasing dalawin ngayon sa ospital si Kiel. Hindi ko kasi siya masyadong tiningnan kahapon.

Pagkabili ko ng lomi ay pumunta ako kaagad ng ospital. Pagkadating ko naman sa kwarto ni Kiel ay nagulat ako na nagpu-push ups na siya.

Pinigilan ko siya at inalalayan papunta sa kama niya. “Kiel, ano bang ginagawa mo? Baka bumuka yung sugat mo!”

Ginulo lang ni Kiel ang buhok ko. “Parehas kayo ni Kaye, praning. Ayos lang ako. Malakas pa at kayang kaya.”

Umupo si Kiel sa kama niya at tiningnan ang hawak ko. “Nakaamoy ako ng pagkain. Para sa akin ba yan?”

“Ahh, oo eto, lomi.” Ngumiti si Kiel tsaka kinuha ang lomi.

Kinain niya yun, “Parang pamilyar ang lasa. Kela Ate Jung mo ba ’to nabili?”

“Oo. Kumakain ka rin dun?”

“Oo naman! Paborito ko kaya dun.” Sabi pa ni Kiel saka kumain pa ng lomi. Napatingin ako sa mga sugat ni Kiel. Sobrang damit ng sugat niya. Puro mga hiwa, pasa, gasgas.

“Kiel, sigurado ka bang okay ka lang?” Tumango siya tsaka ako nginitian.

“Tin alam kong nagulat ka. Sorry, hindi ko rin kasi alam kung paano ko mapipigilan yun, pero okay na talaga ako. Don’t worry.”

Tumango na lang ako at napabuntong hininga. Sana nga at okay lang talaga si Kiel at sana maging okay pa talaga siya.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

12:30 P.M. nang umalis ako ng ospital. Dumiretso ako sa arcade para sana makapaglibang. Medyo nakakastress lang kasi ang mga nangyayari sa paligid ko ngayon.

Habang naglalakad naman ako ay hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako.

“Sorry po, hindi ko po sinasadya.” Sabi ko sa nabangga ko.

“Tin?” Nagulat naman ako dahil kilala ako nung lalaki. Hindi ko rin kasi siya masyadong mamukhaan dahil naka-hoodie siya at nakashades.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora