9

390 13 5
                                    

Tin POV

SA wakas! Last day na ngayon ng exam week namin. Naging maayos naman ang pagte-take ko ng exams dahil nakapag-review naman ako ng maayos.

Pagpasok ko sa clubroom ay mga nagrereview na silang lahat. Umupo naman ako sa pwesto ko at nag-ayos na rin ng gamit ko.

Ilang minuto naman ay pumasok na rin si Sir Trent na may dalang garapon. Hindi ko naman kaagad nakita ang laman ng garapon.

“For today’s exams, for Science.” Tinanggal ni Sir Trent ang takip ng garapon at nakita ko ang malalaking palaka.

Omo! Mukhang magda-disect kami!

“You will work as a pair. Mr. Montefalco and Ms. Montecillo, you will be the first pair. Ikaw naman Ms. Nishizawa at Mr. Chua ang magkapartner and the three of you, Ms. Delos Reyes, Mr. Madrigal and Ms. Gonzales is the last one.”

Nagtaas naman ng kamay si Shanen.

“Pwede po bang ako na lang mag-isa? I don’t like group activities po.”

“Well, kung yan ang gusto mo. Sige.”

Si Ayo ang partner ko. Tiningnan ko naman siya at mukhang bothered siya. Bakit kaya?

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Ayo POV

Halos lumuwa naman ang bituka ko sa nakita ko. Bahagya akong napaatras nang makita ko yun. Akala ko hindi na ako makakakita ng ganyan pero talagang sinusubukan ako ng panahon at ito pa ang naging exams namin ngayon.

Wag naman sana kaming magdisect! Tangina. Umabsent nga ako ng dalawang linggo nung second year ako para maiwasan ang activity na ’to tapos exams pa namin ngayon?

P-pero hindi ako takot sa palaka! Ano lang kasi.. Naaawa lang ako sakanila kapag nadi-disect sila!

“Hoy! Nakawala yung palaka!”

“ANO?!” Automatic naman akong napaakyat sa malapit na upuan sa tabi ko.

Oo na! I’m freaking afraid of frogs! Ayokong makakita ng palaka at lalong ayokong makahawak nun. It sucks me through the nerve!

Nakita ko si Tin na palihim na tumatawa. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

“What?!”

“Bakit ka umakyat diyan? Hindi mo ba hahanapin yung palaka?”

“Ba’t ako!? Kaya mo na yan!” Siya may kasalanan kung bakit nakawala yung palaka na yun tapos ako paghahanapin niya! Tsk. Malas talaga kahit kailan ang babaeng ’to bakit ba ka-partner ko pa ’to?

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon