5

439 18 13
                                    

Han POV

Nakayuko lang ako habang nasa harapan ni Mommy. Hindi ko maiwasang lukutin ang damit ko para hindi mabaling ang atensyon ko sa pananakit ng Mommy ko.

“What do you mean na Rank 3 ka na lang?! Han, hindi kita pinag-aaral para lang maging pangatlo! I want you to be on top! You shouldn’t settle for two lalo na sa three! Wala akong anak na boba!”

Puro hampas sa braso ang nakuha ko kay mommy. Hindi ko rin magawang umiyak dahil ayokong mapagalitan pa ako lalo.

“I-I’m s-sorry, mommy.. I promise, magiging top one ako—”

Sinampal ako ni mommy kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

“Don’t promise. Do it. Don’t be a disgrace to our clan.” Huling sabi ni mommy tsaka lumabas ng office niya. Naiwan naman akong mag-isa at don na umagos ang luha ko.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Tin POV

Nakatayo lang ako dito sa tapat ng gate ng school. 3:30 AM na, marami rin palang inimbitahan ang babaeng yun. Tumingin ako sa paligid at wala pa si Ayo. Siguro narealize nyang hindi naman talaga niya gusto ang sumama sa club activity na ito.

3:45 AM nang dumating ang apat na van at lumabas ang babaeng kumausap sa amin kahapon. Mayroon siyang name tag ngayon at Layla pala ang pangalan niya.

"Good morning everyone! Should we get going?" Nilingon ko ang paligid at wala pa rin si Ayo. "I see, you're alone. Hindi na ba sasama yung isa?"

"Siguro po hindi na siya sasama." Tumango naman si Layla.

"Sayang naman at hindi siya makakasama. Pero di bale, magsasaya tayo sa clubhouse. Let's get going?" Tumango naman ako tsaka sumunod kay Layla.

Paandar na sana ang van nang may biglang kumatok. Paglingon ko ay nagulat ako nang makita si Ayo at ang lahat ng members ng Blue Stars na nasa labas.

Pinagbuksan ko sila ng pintuan. "Are you really that rude to go without us?" Tanong ni Ayo. Pumasok sila sa van at umupo siya sa likod.

Tumabi sa akin si Kaye. “Bakit nandito kayo? Di’ba ayaw niyo naman nito?”

“May points ang club activities. Tutal may sinalihan ka na edi dun na lang kami sumali.”

Ahh, oo nga. Sayang rin ang points pandagdag rin sa grades yun.

Umandar ang van at habang papunta kami sa Club Sites ng Brookefield ay inabutan kami ni Layla ng forms. Nagfill-up kami dun tsaka ibinigay sakanya.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu