21

371 13 9
                                    


Tin POV

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok para ibalik sa library ang mga librong nahiram ko.

Habang naglalakad naman ako ay nakasalubong ko si Aly.

“Good morning, Aly!” Nginitian niya naman ako.

“Good morning rin, Tin. Saan ang punta mo?”

“Sa library. Magbabalik lang ng libro.”

“Really? Sabay na tayo. Dun rin ang punta ko eh.” Pumayag naman ako kaya sabay kaming naglakad ni Aly papunta sa library.

Habang naglalakad kami ay nagkwentuhan kami ng kung anu-ano hanggang sa hindi ko namalayan at may nakabangga na pala ako. Nahulog ang mga librong dala ko.

“Sorry, hindi ko sinasadya.” Sabi nung nakabangga ko habang tinutulungan akong magpulot ng libro ko.

“Hindi ayos lang, di rin kasi ako nakatingin.” Nang tumayo kaming dalawa ay inabot niya sa akin ang libro ko tsaka ko naman nakilala kung sino yun.

“Tin ikaw pala yan!” Nakangiting bati niya sa akin. Ngumiti naman ako pabalik sakaniya.

“King. Good morning.”

“Wait. Magkakilala na pala kayo?” Tanong ni Aly tsaka bumaling ang tingin kay King. “Good morning, Pres!”

“Good morning rin Aly. Oo. Magkaibigan kami ni Tin.”

“Ganun ba? Pero still, Tin siya si King. Siya si Mr. President.” Kung ganun, taga cream section rin pala si King. Nasa section 1-A rin pala siya katulad nila Aly.

Bigla namang napatingin sa uniform ko si King. “Bakit ganyan ang uniform mo?”

“Ahh, sinarado kasi ni Miss L ang clubroom namin this week at pina-sit in na muna kami sa regular class.”

“Yup, and guess what, nasa section natin sila Pres! Absent ka kasi ng absent huli ka tuloy sa balita.” Dagdag pa ni Aly.

“Talaga? Edi araw araw pala kitang makikita niyan. That’s nice, gaganahan na akong pumasok araw araw.” Nabigla naman ako sa sinabi ni King. Ano naman kaya ang ibig niya sabihin don?

“Ehem.” Sabay kaming napalingon nang marinig namin yun at pagkita namin ay si Ayo pala yun na nakatayo sa gilid namin habang nakapamulsa. “Try niyo maglandian sa ibang lugar. H’wag sa tapat ng pintuan ng library para hindi kayo nakakaistorbo sa mga tao.”

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon