51

287 8 4
                                    

TIN POV

Umaga na ng matapos ko ang written report na pinauwi sa akin ni Sir Trent. Medyo unpolished pa nga ito kaya dinouble check ko ito.

*yawwwnnsss*

"You haven't slept yet." Napabalikwas ako nang may magsalita sa likod ko. Nang lingunin ko yun ay nakita ko si Ayo na may hawak na dalawang mug. Nang makita ko siya ay kaagad akong pinamulahan ng mukha at umiwas kaagad ng tingin.

Hindi ko alam kung paano akong magrereact sa harapan niya pagkatapos ng lahat ng nangyari.

"Here." Ibinaba ni Ayo ang mug sa may table tyaka tumabi sa akin. Bigla naman akong napaayos ng upo dahil nasa tabi ko si Ayo. "Don't push yourself."

"H-hehe.. S-salamat.." Kinuha ko ang mug tsaka humigop doon.

"Wait-"

"Ahhhhh!!" Nababa ko ang mug dahil napaso ang dila ko. Sobrang init pala ng kape na ginawa ni Ayo!

"Tss.. Be careful! Kahit kailan ka talaga napaka-careless mo."

"Sorry ha! Hindi mo naman kasi ako ininform na ganito pala kainit tong kape na ginawa mo!"

"Tsk! I was about to warn you pero uminom ka kaagad. Talk about carelessness."

Napatahimik kaming pareho nang ma-realize naming nagbabangayan nanaman kaming dalawa. Sabay naman kaming napatawa. Somehow, nawala ang pagiging awkward ko sa harapan ni Ayo nang magbangayan nanaman kami. It feels normal dahil ganun naman talaga kaming dalawa.. Parang aso't pusa.

"Are you okay?" Napatigil ako sa pagtawa nang sumeryoso ang mukha ni Ayo at tinanong ako. Ngumiti lang ako sakanya.

"Oo naman, okay na okay lang ako." Pagkasabi ko nun ay ngumiti si Ayo at tumayo. Namulsa ito tyaka ako niyakap. Kaagad na nanlaki ang mata ko.

"Ayo! B-baka-"

"Never mind that f-cking phobia. I can bear it.. As long as it is you." Hindi naman ako nakasagot sa sinabi ni Ayo. Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako at habang tumatagal ay nararamdaman ko na humihigpit ang yakap nito sa akin.

"A-ayo.."

"Please always be careful.. I can't afford having you hurt."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Ayo. Pagkatapos ay niyakap ko na rin siya pabalik.

"EHERRRRRRRMMMMM!! What are you lovey-doveys doing?" Bigla kong naitulak si Ayo nang may biglang magsalita. Pagkaharap ko ay nakita ko si Kaye at Shanen na kasalukuyang nakangiti ng kakaiba sa akin.

Napatingin naman ako kay Ayo.

"Waaah!! Sorry, Ayo!!" Napahiga kasi ito sa sahig dahil sa pagtulak ko sakanya.

"HOHOHOHOHOHO! I CAN'T BELIEVE THIS!! Primo is being lovey-dovey to Tin? O to the M to the G, this is very rare! Sobrang rare lang na makita si Primo as a tame little dog because most of the time, he is a wild lion! This is so kawaii!" Tumatawang sabi ni Kaye. Tumayo si Ayo at binigyan ng death glare si Kaye.

"What the hell, Kaye Delos Reyes. Alam mong hindi maganda ang making sa usapan ng iba!"

"BLEEEEEH! The hell I care? Right now, I'm sooooooo posting this to my online group chat! This is big big big news!!!" Pinakita ni Kaye ang picture na kinunan niya habang magkayakap kami ni Ayo.

"Kaye!! Burahin mo yan!" Pinamulahan ako ng mukha sa pinakita ni Kaye. Sinubukan kong kuhanin mula sakanya ang phone niya.

"Kaye akin na yan!"

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]On viuen les histories. Descobreix ara