3

567 18 6
                                    


Tin POV

"HUHUHUHU! Hinding hindi ko mapapatawad ang animal lover slash moron slash idiot slash ugly freak, Kiel! WAHHH!" Iyak pa rin ng iyak si Kaye, kagabi pa siya ganyan, hindi nga yata siya natulog kakaiyak kaya sobrang pugto ng mata niya. Kung itatanong niyo kung anong dahilan ng pag-iyak niya, yun ay ang pagkakaroon niya ng sugat sa kanang bahagi ng pisngi niya dahil sa pag-aaway nila ni Kiel, si Kiel naman, puro band aid ang mukha at braso dahil sa mga kalmot na nakuha niya kay Kaye.

Kung tutuusin sobrang liit lang ng sugat na yun ni Kaye pero para sakanya, it's a big deal. Sabi kasi ni Shanen sa akin, she values her face the most, more than anyone or anything in this world.

Nandito na kami ngayon sa dorm ng Blue Stars, ang Startelle. Kahapon pinalipat na ako dito ng head teacher na si Miss Loungeville. Roommates ko sila Kaye at Shanen. Originally, kasama si Han sa roommates ko pero nung nalaman niyang magiging kasama niya ako ay kaagad siyang nag-alsa balutan at lumipat ng kwarto. Madami rin kasi ang kwarto dito pero puro parang naging bodega lang ang mga yun kaya magkasama kami sa kwarto.

Malaki naman ang kwarto na ito, ito ang pinakamalaking kwarto at ang kwarto ng boys. Pabilog ang kwarto, tatlo ang kama na nakapalibot sa kwarto. Si Shanen ang nasa left side, si Kaye ay nasa gitna dahil sabi niya, ang magagandang tulad niya, dapat laging center dahil center of attraction. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang paniniwalang yun. At ako ay nasa right side.

Kakaunti lang ang gamit ko. Damit lang na dala ko na hindi pa napuno ang isang aparador. Sa side naman ni Shanen ay puro manika ang makikita mo. Iba't ibang klase ng manika at super colorful ng theme. Ang kay Kaye naman, pure pink ang theme na napapalibutan ng maraming posters ng mukha niya. Tatlong vanity mirror naman ang nakapalibot sa may kama niya at kung bubuksan mo ang cabinet niya, aakalain mong nagbebenta siya ng salamin sa mukha at make-up.

"PAANO NA LANG AKO PAPASOK NG GANITO ANG ITSURA?! I LOOK TERRIBLE! HUHUHU!" Nagtatalukbong si Kaye ng kumot pero rinig na rinig namin ang pagsigaw niya. Sobrang lakas.

Biglang tumayo si Kaye at nakatulalang tumingin sa kawalan, "I... I just wanna die,"

Biglang kumuha si Kaye ng ballpen sa side table at akmang itutusok sa dibdib niya pero kaagad kong pinigilan yun.

"H'wag mong gawin yan!!" Pinipilit kong agawin mula kay Kaye ang ballpen pero she just won't let go.

"NO! I WANNA DIE! I WANNA DIE!" Para siyang bata na inagawan ng candy na ngayon ay nagdedemand ng lollipop.

"Go Kaye! Bilisan mo ang pagtusok para di mo na maramdaman ang sakit!" Tumingin ako kay Shanen na ipinagchi-cheer pa si Kaye na akala mo malaking achievement kapag nagawa yun.

Bigla na lang bumulagta si Kaye,

"Hala Kaye!!"

Mukhang hinimatay na si Kaye! Natataranta akong sinubukan siyang buhatin papunta sa kama niya. "Shanen! Tulong! Dalhin na natin siya sa infirmary!"

Ngumiti lang si Shanen at tinulak papunta sa higaan niya si Kaye.

"Hayaan mo siya, ganyan talaga si Kaye pagkatapos niyang maghysterical. Masanay ka nang palagi siyang hinihimatay!"

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakaweird ng mga tao sa Blue Stars. Teka, kasali rin ako sa Blue Stars eh, so weird din ako? AYY EWAN!

Biglang bumukas ang pintuan at si Ayo ang nakita naming nagbukas nun, he is still wearing his plain look on his face.

"Get out, Miss L wants to see us." Magsasalita na sana ako para magtanong pero malakas niya binalibag ang pintuan. Sa huli, napabuntong hininga na lang ako.

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Where stories live. Discover now