50

270 8 3
                                    


Third Person's POV

MAGKAHARAP si Tin at Aly habang maraming estudyanteng nakapaligid sakanila.

Hawak hawak pa rin ni Tin ang pisngi kung saan siya sinampal ni Aly. Lalapit na sana si Tin pero kaagad niyang nakita ang galit na namumuo sa mata ni Aly.

"Aly.."

"Traydor. Ahas. Wala kang kwenta, Tin. Akala ko iba ka sa mga members ng Blue Stars pero pare-parehas kayo. Self centered brats who only think about themselves." Biglang lumapit si Aly kay Tin tyaka tinulak tulak 'to. "Ilang beses kitang tinanong? Ilang beses kitang tinanong, Tin! Wala kang kwentang kaibigan!!"

Sasampalin pa sana ulit ni Aly si Tin nang may humawak sa kamay nito. It was Kiel.

"How dare you insult us, regular student?" Sabi ni Kaye habang matalim ang tingin kay Aly. Lumapit naman si Shanen kay Tin.

"Tin, are you okay?" Tanong ni Shanen kay Tin pero hindi ito nagsalita.

"Totoo naman di'ba? You good for nothing special students kuno. How I wish na sana nagdisband nalang ang club niyo para walang special treatment sainyo. Tutal, you are not even like humans, wala kayong puso!" Aly screamed. Hihilahin sana nito ang buhok ni Kaye pero hinatak siya ni Kiel.

"Hindi porket Student Council Vice President ka, you can do everything you want. In just a snap pwede kong buwagin ang SSC. Kaya hinay hinay sa pananalita mo." Sabi ni Kiel. Hindi na nagsalita si Aly at tumakbo na papalayo.

Kinuha naman ni Ken ang picture mula sa bulletin board tyaka tinapon iyon.

Nakayuko pa rin si Tin. Hindi na ito nagsalita at tumalikod na tyaka naglakad papalayo sa lugar na yon.

Hindi niya iniinda ang sakit ng sampal ni Aly pero yung sakit ng mga salitang binitawan niya.

Dumiretso si Tin sa Garden ng school kung saan kakaunting tao lang ang pumupunta.

Pagpasok niya ay umupo kaagad ito sa sulok at yumuko habang yakap yakap nito ang binti niya.

Bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Bigla niyang naisip si Ayo. Hindi pa niya ito nakikita.. Ano kayang naglalaro sa isip niya? Ganito rin kaya ang nararamdaman niya?

Sana hindi...

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"NOW what, Ping? Is this all you got?" Nakangising tanong ni Ayo kay King habang nakatapak sa dibdib nito.

"M-my name's.. K-king you b-bastard!" Tumayo si King at sinubukang suntukin si Ayo pero nakakailag ito.

"I wanna know why are you so mad? Dahil ba nahalikan ko yung babaeng gusto mo?" Sumuntok si King pero nasipa siya ni Ayo kaya napahiga ulit ito.

"I'll get her, I'll get her Primo!"

Biglang nagseryoso ang mukha ni Ayo at tumingin kay King.

"You can't get what's already mine. Hindi mo gugustuhing makalaban ako, Ping. So don't you dare lay a finger on her."

Fall In Love Like A Movie [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu